Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/209

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



lañginan. Ngayon, babayhayin co isa isa ang mañga utang cong bago sa Panginoong Dios. A 6 de Junio de 1882 nañganac si Lucía ng isang lalaque, pinangalan ay José; 15 de Septiembre de 1882 nañganac si Neneng, ang ipinangalan ay Alfredo; 14 de Junio de 1883 nañganac si Sisa ng babae, ang ipinangalan María Consolación; Septiembre 3 de 1883 si Olimpia naman, nang lalaque, ang ibiniñag ay Aristeo; Noviembre 24 de 1883 si Lucía naman nang isang babae; a 26 nito rin buang ito si Neneng, isa ring babae, capua hindi pa biñagan at sa Lingo pa bibiñagan. Dito maraming mañgañganac ang nañgamatay sa pañgañganac, datapuat sila ay itumauid (itinauid) na malualhati, nag daan dito ang mabangis na cólera, sumunod ang beri beri, ang mañga masasal na baguio, ñgunit cami, aua ñg P. D., ay parang tinabingan at sinuhayan nia. Napagnacauan ang señora Neneng, nacuha rin muli sa mañga magnanacau ang ninacau sa cantidad na mahiguit na 4000 ay marahil conti lamang ang hindi nacucuha pa. "Tignan mo lamang cong hindi ang bagay ay cayong mañga anac co, ay paraparang mag si tulong sa aquin sa daquilang mañga utang natin ito at sa catapusan tayoy capautañguin pa na mag quiquita at samasama; mag pasalamat. Ang yong Yna na nagnanasa ng cagalingan ng yong Calulua.

TEODORA ALONSO.

P.D.: Acoy nag bigay sa tío Antonio mo ng 25 pesos para aguinaldo sa yo sa Pasco.

_______________________


GINOONG JOSE RIZAL.


PINACAMAMAHAL CONG CAPATID:

Ualin mong bahala sa loob mo ang dico pag sulat sa iyo at huag mong ipaghihinaquit sa aquin; at ito'y di sa caculañgan ng pag aalaala sa yio (iyo); ang naguing sanhi nitong mga bagay na ito, ay sa mga sakit na nag dadaan sa amin. Una una ay mula ng dumaan na ang cólera ay lumipat cami dito sa bahay, capisan caming lahat ng ating minamahal na magulang at capatid; at mulá ng panahong yon at mag pa hangang ngayon sa fechang ito, ay na rito pa cami, at ang aming bahay sa tabi ni Sra. Neneng ay nasira ng baguiong nag daan dini. Ang icalaua ay ang pag cacasaquit ng Pari, at pag camatay; ay mahiguit na dalawang buan; na aming nalimutan ang panahong dapat gamitin ng tao, cun na sa tinuasay at tahimik na cala-


—183—