ng ilang liham na galing sa inyo, sapagka't limang buwan na
ngayong hindi ako nakatatanggap kahit isang talatang galing sa
pamilya; nangangamba akong baka hinaharang ang mga sulat at
hindi ninyo tinatanggap ang aking mga ipinadadala; dahil dito'y
binabalak kong huwag munang sumulat hanggang hindi ninyo
naibabalita sa akin kung ano ang nangyari sa mga iyon. Totoong kakaunti ang balitang tinatanggap ko tungkol sa nangyayari diyan kaya hindi ko nalalaman kung ang kapatid kong
si Olimpia ay nakatira diyan sa bahay o sa kabayanan o sa
Taal, gayondin tungkol kina Senyora Neneng at Senyora
Sisa. Tila nakahihiya kung ako'y humingi ng balita sa ibang
tao at hindi gaanong malapit sa atin tungkol sa mga bagay na
ito.
Hanggang dito na lamang: ninanais kong kayong lahat ay maging mabubuti at walang anumang karamdaman. Mga kumusta sa mga kapatid, mga bayaw, sa mga kaibigan at sa mga kamag-anak.
Ang inyong anak na nagmamahal sa inyong lahat,
HABOL: Noong isa sa mga nagdaang araw ng Linggo, ay nagkaroon dito ng pamamahayag na Republikano, apat na libong
tao ang nagsadya sa libingan ni Figueras¹ (ang unang Pangulo
ng Republika) upang maghandog ng mga parangal sa kanya.
Bumigkas sila ng mga talumpati, bumasa ng mga liham, naghayag ng mga pagtutol. Ang lahat nang ito'y nangyari samantalang nagpupulong ang Kortes. Ang mga samahang ito'y
napakita rin ng mga gawaing katulad niyon.
_____________________
7 Ang kanyang kapatid na si Olimpia at ang asawa nitong si Silvestre Ubaldo, na kawani sa Kawanihan ng Pahatirang-kawad, ay naglilingkod noon sa Bulakan. Napasa-Kalamba nang mga ilang araw muna bago dumating ang Pasko upang magparaan sa piling ng kanyang mga magulang.
8 Ang Taal na tinutukoy ay isa sa mga mahahalagang bayan sa lalawigan ng Batangan.
9Sina Senyora Neneng at Senyora Sisa ay kapuwa kapatid na matatanda ni Rizal, na nagngangalang Saturnina at Narcisa; kapwa may asawa na rin at may kani-kaniyang bahay na sarili sa Kalamba.
10 Si Figueras ay siyang nahalal na unang Pangulo ng Republikang Kastila matapos na bitiwan ang tungkulin ng haring Amadeo I. Ang Republikang Kastila ay ipinahayag at itinanghal ng Senado nang ika-11 ng Pebrero ng 1873 at nang Kapulungang Pambansa. Nohalal na Ministro ng Estado si Castelar; Ministro de Gobernacion si Pi y Margal; Ministro de Gracia at Justicia si Nicolas Salmeron; Ministro de Ultramar si Sorni, atbp.