mga magulang at mga kapatid
Ika-21 ng Nobyembre, 1883
MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:
Bagaman tila kakatwa, ang pagtira sa isang lungsod ay nakababagot din, kahit na ang lungsod na ito'y tawagin pang Madrid,
datapuwa't ang totoo'y kahit ang pamumuhay ko'y isinusunod sa isang alituntunin at hindi ako nanghihimasok sa buhay
ng iba, ay nagkakaroon din ako ng mga araw na nakaiinip at
ako'y salat sa anumang maibabalita sa inyo tungkol sa aking sarili. Ako'y mabuti, malusog na malusog kahit na ang panahon
ay malamig, at ito'y nagiging sanhi ng alipunga.
Ang ating kababayang si Figueroa, na lumahok sa paligsahan ng mga naghahangad na magturo ng paglililok sa Akademya ng San Fernando, ay nagkaroon ng kasawiang palad na ginawan din ng gaya ng ginawa sa isa pa, at ng napakadalas mangyari, na ang hinirang ay isang taong ang mga gawa'y pangatlo lamang. Marami ang mga pagtutol na iniharap ng ibang
1 Baganrın masasabi nating si Rizal ay hindi nag-aangkin ng isang buhay na ganap na nananahimik, ay namumuhay naman siya nang maayos at nanununton sa mga sadyang tuntunin, na anupa't hindi nagkakaroon ng mga pagkakataong makatisod ng mga balitang karapat-dapat ibalita. Bukod sa rito'y kararating pa lamang niya sa Madrid buhat sa Barselona.
2 Si Figueroa, Melecio ay isang artistang pilipinong tubo sa Iloilo napagkatapos makapagsimula sa Pilipinas ng kanyang mga pag-aaral tungkol sa sining ay napasa Espanya upang magpatuloy ng pag-aaral sa Akademya ng San Fernando sa Madrid. Ipinalalagay siyang isa sa mga lalong mabubuti kung di man siyang pinakamabuti sa mga "grabador" na pilipino. Naging pensyonado sa Roma at nakatamo ng maraming gantimpala at mga “diploma" sa madlang mga tanghalan sa Europa at Amerika. Umuwi siya sa Pilipinas dahil sa kinasundo upang gumawa sa Limbagan ni Ramirez at mga Kapatid. Siya ang gumuhit o dumibuho ng ating kuwalta ngayon, na nang una'y kilala sa pamagat na "Conant", sapagka't ang salaping ito'y pinalabas at ginamit sa bisa ng isang batas ng Kongreso amerikano, na iniharap ng Kongresista Conant.