Ika-28 ng Oktubre, 1883
GINOONG FRANCISCO RIZAL MERCADO
MINAMAHAL KONG MCA MAGULANG:
Bagaman wala akong tinatanggap na sulat na galing sa inyo na nagbabalita ng inyong kalagayan, naunawa ko rin, buhat
sa ibang tao, na mabuti ang inyong kalagayan, bagay na ikinagagalak ko nang labis at labis. Kung ako naman ang inyong maitatanong, ay mabuti akong lubos, walang anumang idinaraing na
sakit, salamat sa Diyos. Ang lamig ay nabalam ng pagdating;
noong isang taón, nang ika-15 o ika-20 ng Oktubre, lahat halos
ng mga tao sa Madrid ay nangakasuot na ng kanilang pangginaw
na amerikanang mahaba at ang mga alipunga'y nagsimula nang
sumingaw sa mga taynga at mga daliri. Hangga ngayon, ay lumalabas pa ako nang hindi nakasuot ng pangginaw, at gumagamit ako nito kung gabi lamang, bagaman kung minsa'y napapabayaan ko pa rin ang gayon, datapuwa't pinaglubak nang karima-rimarim na ulan ang Madrid. Kasama ko ngayon sa bahay si Lete
at ang dalawang Llorente.¹ Inupahan naming apat ang pangunahing palapag ng bahay sa bilang 15, Daang Banyo at dito na ninyo maaaring ipadala ang inyong mga liham buhat ngayon. Inupahan namin ang mga kasangkapan ng 72 piso sa dalawang taon
at ang bahay ay inuupahan namin ng 19 na piso isang buwan;
at kung isasama ang gugol sa ilaw, utusang babae, tubig, at marami pang iba, ay umaabot sa 8 1/2 piso isang buwan para sa bawa't isa sa amin. Idagdag dito ang pagkain, na nagkakahalaga ng
10 real fuerte araw-araw, o kaya'y 15 piso isang buwan, at naka-
1 Si Rizal ay bumago ng bahay; ngayo'y tumitirang kasama ni Eduardo de Lete at ng dalawang Llorente, Julio ang ngalan ng isa, at ang isa pa ay hindi namin malaman kung ano. Ang pamumuhay na ito'y tinatawag ni Rizal na mabuhay na parang isang republika.