na ito. Ang init na umiiral dito ngayon ay nakasisiya at ang
lamig na paminsan-minsa'y dumarating ay totoong kapansinpansin.
Sapagka't hindi ko natitiyak kung ako'y lalagi sa tirahang ito, ay ninanais kong ipagpatuloy ninyong ipadala ang mga sulat sa bahay sa Daang Barkilyo, Bilang 34, 4º, na tinitirhan ni Esteban Villanueva.4 Si Vicente Gonzalez5 ay paroroon sa unang araw ng Oktubre; magiging magaling na siya na ang magdala ng mga sulat ko sa mga araw na iyon. Ang tag-init dito ay naging masama sa katawan ko, at dahil dito'y namayat ako, bagaman hindi napinsala ang kalusugan ng aking katawan kahit bahagya. Umaasa akong ang taglamig ay makapag papanumbalik ng aking dating pangangatawan. Ang kaanak ni Villa-Abrille6 ay naririto; ang anak na lalaki'y kadadalaw pa lamang sa amin.
Sapagka't masasagot ninyo ang sulat na ito sa mga huling araw na ng Oktubre o sa mga unang araw ng Nobyembre, at tatanggapin ko naman nang hindi lalampas sa mga huling araw ng Disyembre ay mag-aantay ako sa mga araw na iyon ng ilang balita tungkol sa Pasko.
Ewan ko kung ano ang nangyari kay Tasio:7 'kung siya'y
itiniwalag sa paaralan ng mga paring Hesuwita o hindi; kung
siya'y itiniwalag, ay inaakala kong siya'y maaaring ipadala ni
Kapitang Juan8 sa isang Dalubhasaan sa ibang bansa, sapagka't
hindi naman kapos sa kakayahan si Tasio, wala nga lamang
hilig at walang mabuting pamamatnubay. Inaakala kong ang
__________________
4 Ang tinutukoy niya'y ang bahay na kanyang tinirhang pansamantala na kasama ng isang estudyanteng pilipino na nagngangalang Esteban Villa nueva. Tila ito'y isang ilokano na nag-aaral sa Madrid ng deretso. Ito'y nasaMadrid na nang dumating doon si Rizal nang 1882.
5 Si Vicente Gonzalez ay isang pilipinong nag aaral sa Madrid ng de retso. Nakikilala siya sa palayaw na "Markes de Pagong". Siya'y kakilala ng mga kaanak ni Rizal sanhi sa naparoong minsan sa Kalamba upang mama hinga, kasama ng kanyang kaibigang si Ricardo Aguado, at sa bahay nina Rizal tumuloy.
6 Hindi namin matiyak kung ano ang tunay na pangalan ng Villa-Abrille na tinutukoy ni Rizal; bagaman tila Federico. Ito'y isang mestisong kastila na matagal nang tumitira sa Pilipinas. Ang kanyang mga magulang ay kabi lang sa pangkat ng Guwardiya Sibil na binabanggit na sa mga sinulat ni P. Burgos; at nang kapanahunan ni Rizal ay may isang tenyente ng Guwardiya Sibil na gayon din ang apelyido na nanungkulan sa Kalamba, Laguna, at pagkatapos ay nalipat sa Lipa, Batangan.
7 Ang tinutukoy ditong Tasio ay si Anastacio Banatin, anak ni Kapitan Juan ng bayan ng Kalamba. Dahil sa isang mabigat na kasalanan, si Anastacio ay pinalayas sa paaralan ng mga hesuwita, kaya't si Paciano Rizal ay napilitang lumapit kay Anacleto del Rosario upang lakaring mapabalik sa paaralan si Tasio, matapos na mabigo ang kanyang sariling paglakad.
8 Si Kapitan Juan ay naging Kapitan munisipal o gobernador-silyo ng Kalamba. Ito ang ikalawang Juan na naging kapitan ng bayan, at makalawa siyang magkapitan: nang taong 1867 at 1868.