Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/196

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


51. Buhat kay Rizal para sa kanyang mga magulang




San Miguel,
bilang 7-1 Sentro,
Madrid
Ika-11 ng Setyembre, 1883

MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG:


Buhat sa aking kahuli-hulihang sulat nang ika-31 ng Agosto1 hangga ngayon ay kakaunti ang mga pangyayaring naganap dito na karapat-dapat banggitin. Sapul noong ika-6 ng buwang ito, ay lumipat ako sa bahay na ito na ang mga palatandaan ay inilagay ko sa bungad nitong liham. Dito'y bumabayad ako ng 16 na sikapat isang araw, o kaya'y apat na peseta walang ilaw na ako rin ang bumabayad. Gayunman, sapagka't hindi ako maginhawa sa tinitirhan kong ito ay binabalak kong humanap ng iba at baka sa halaga ring ito'y makakita ako ng ibang lalong mabuti ang kalagayan. Nag-uurung-sulong akong humarap sa pagsusulit sa "Derecho Romano"2 upang makapagpatuloy ng karera ng pagkamanananggol na tumatagal dito ng pitong taon, nguni't hindi ako humarap at kumuha na lamang ng pagsusulit sa panitikan o kasaysayan upang makapagtapos ng Pilosopiya at Letras,4 isang karerang hindi nakikilala riyan, at tumatagal ng tatlong taon; bukod sa ito'y isang paghahanda sa pagpopropesor. Nabasa ko ang mga kalagim-lagim na pangyayari sa Haba, isang pulong napakalapit sa ating bayan, na nakapagpangilabot sa amin: umaasa akong makaririnig ng lalong maliliwanag na balita tungkol sa bagay



1 Sa palagay namin, ang sulat na itong binabanggit ay dili iba kundi ang parang kaputol ng sulat blg. 19 sa "Sandaang Sulat ni Rizal sa kanyang mga kaanak).

2 Walang katunayang nagpapakilala na si Rizal ay nag-aaral ng deretso sa Madrid. Ang binabanggit niyang araling "Derecho Romano" ay maaaring isang hiwalay na aklat na kanyang pinag-aaralan upang matalos niya noong siya'y nag-aaral ng "Filosofia y Letras".

3 Natapos ni Rizal ang pag-aaral ng "Filosofia y Letras" nang 1885,

kasabay ng mga pinag-aaralan niya sa pagdodoktor ng Medisina.

—170—