pinaglitisan kay Mariskal Bazine,24 ang mga tulugan nina Luis
XIV, XV, XVI,25 at ang sa mga reynang maybahay nila; ito
ang mga tirahan sa malaking Trianon; doon sa maliit, ang buhay lamang ni Maria Antonieta26 ang namamayani sa kapaligiran; may dakilang kawalan ng karangyaan kahit sa mga kagamitan niya sa pagpapaganda at sa mga silid na pinaggagawan niya. May isang mapa, isang hemisperiyo na ginawa, ayon sa sabi, ni Luis XVI. May isa ring tungkos ng mga bulaklak na ang nakatali sa kanila ay isang orasan. Ang mga silid
ni Napoleón I ay dilaw ang kulay. Tinitiyak nila sa aking
hindi nakaugalian ni Napoleón I ang tumira sa mga palasyong ito. Sa garahe ay namalas namin ang maraming karwahe
at kapansin-pansin ang pinakamalaki at ang pinakamaganda,
yari sa ginto, na minsan lamang ginamit, noong koronahan si
Carlos X, 27 at nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa isang
angaw na piso. Napakaganda ang halamanan at ang patyo;
sa pook na iyon noong una'y walang lumilibot kundi isang kabataang sagana sa ginto at isang mapagmarangyang Korte, na
ang tanging hinarap ay mga walang kabuluhang kaabalahan,
at marahil ay naglalatang sa simbuyo; kaimbihan marahil, o kaya
nama'y kapahamakan marahil; ngayon doo'y walang tao at walang nakikita halos . . . 28
_____________________
24 Bazaine, Aquiles Francisco— (1811-1888). Ito'y Mariskal ng Pransya, na ipinanganak sa Versalles. Nagsimula ng paglilingkod sa hukbo bilang kawal at dahil sa kanyang katapangan at katangian ay nataas nang nataas hanggang sa matamo ang mataas na katungkulan sa pakikibaka sa Algeria, Krimea, Lombardia, Méhico, at pagkatapos ay naging Mariskal ng Pransya nang 1864. Gayunma'y nakatagpo ng maraming mabibigat na kasaliwaang-palad sa digmaan ng Pransya, at Prusya nang 1870, na siyang ipinaging dahilan ng pagaalinlangan sa kanyang katapatan at sa kanyang mga pamamalakad, kaya't siya'y binuhatan ng maraming paratang na ipinagtamo ng hatol na mababa sa tungkulin hanggang sa siya'y mahatulan ng kamatayan, hatol na nang dakong huli'y nabago at ginawa na lamang na pagkabilanggo ng 20 taón.
25 Luis XIV, Luis XV at Luis XVI—Ang mga ito'y pawang Hari ng Pransya: ang una'y nang taong 1638 1715; ang ikalawa'y nang 1710-1774 at ang ikatlo'y nang 1754-1793.
26 Si Maria Antonieta (1755 1793) ay reyna ng Pransya, asawa ni Luis XVI na kinapootan ng bayan dahil sa kanyang walang patumanggang panghihimasok sa mga suliranin ng bayan; kaya't sa loob ng panahon ng himagsi kang pransés ay dinakip siya at nilitis, hanggang sa parusahang bitayin nang Oktubre, 1793.
27 Carlos X (1757-1836) — Ito'y hari rin ng Pransya, kapatid ni Luis XVI, masamang tagapangasiwa, na siyang nagbaón sa malaking pagkakautang ng bayan, bukod sa isang polítikong hindi kinakatigan ng bayan at nakatagpo ng maraming pagtutol ng madla; dahil dito'y napilitan siyang magbitiw ng tungkulin nang taong 1830.
28 Ang sulat na ito ay isa pa ring walang katapusan ni walang lagda ni Rizal