lang anyo ng simbahang Kristiyano na kaparis ng karaniwang
namamalas. Inaakala kong nakatutulong sa bagay na ito ang
dalawang palapag sa bawa't tabi, ang kawalan ng koro at ng
mga palamuti, bagaman may mga pinturang walang maipipintas. Sa katagang sabi iyo'y maringal. Sa halagang 16 na kuwarta ay maaaring pumanaog sa mga pook na hinukay sa ilalim
ng lupa na kinaroroonan ng mga puntod ng mga dakilang tao.
Ang hukay na ito sa ilalim ng lupa ay malawak, malamlam na
naliliwanagan ng banaag na lumulusot sa ilang maliliit na durungawan sa bubong. Ang patnubay na sumama sa amin ay
may dalang isang parol. Naroroon ang mga libingan ng mga
pilosopong sina Voltaire3 at Rousseau,4 mga ama ng mga makabagong kaisipan. Si Voltaire ay may isang maringal na estatwang yari ni Houdon; ang libingan ni Rousseau ay katapat ng
libingan ni Voltaire. Isang kamay na may hawak na sulô ang
nakaungos sa puntod. Ang mga taong nagsasabing ang bagay
na ito'y hindi angkop ay may matuwid; bukod sa rito'y malamang na mapagkamalan, sapagka't maaaring sabihing sinilaban
o niliwanagan niya ang daigdig. —
Naroroon din ang mga
bingan nina Mariskal Lannas5, Soufflot6, at ng iba pa. May
isang pook na ang alingawngaw ay nagsasali-salimbayan sa isang
paraang nakagigitla; hinahampas ang isang parang tambol at
ang maririnig ay tila mga putok ng kanyon na gayon na la-
_____________________
3 Voltaire Ang pangalang ito'y siyang ginamit ni Jean Francois Marie Aroct (1694-1778) noong 1718. Isa siyang manunulat at pilósopong pransés, nag-aral sa mga hesuwita at maagang nabantog dahil sa kanyang mga sinulat na panunudyo't panunuya, na siya tuloy naging dahil ng pagkakapatapon sa kanya. Napagtibay ang kanyang kabantugan sanhi sa mga sinulat na Honriada, Edipo, Mariana, atbp. at pagkatapos ay inilathala ang kanyang mga napabantog na "Mga Sulat na pilosópiko" at ang kanyang "Talatinigang Pilosópiko".
4 Juan Jacobes Rousseau (1712-1778). Ito, nang una'y isang manunulat na hindi kilala at nabubuhay lamang sa kanyang pagiging músiko. Siya'y isang pransés, bagaman ipinanganak sa Hinebra. Silang dalawa ni Voltaire ay kilala sa pagiging tagapagtanim ng himagsikan. Ang una-unang ikinatanyag niya ay nang magtamo ng gantimpala sa isang timpalak na binuksan ng Akademya ng Dijon sa pamamagitan ng kanyang akdang "Ang pagpapasok ba ng agham at ng sining ay nakatulong sa págsama o sa pagbuti ng kaugalian?". Ang mahahalaga niyang akda ay ang Eloisa, Emilio, Proyecto de paz perpetua, El contrato social, Confesiones, atbp.
5 Lannes, Jean— (1769-1809). Ito'y Duke ng Montebello at Mariskal ng Pransya. Bagaman bahagya nang nag-aral, ay pumasok sa hukbo at nagtamo ng tungkuling Punó ng brigada sa pakikidigma laban sa Espanya nang 1793-04; pagkatapos, sa pakikidigma laban sa Italya nang 1796 ay naging Heneral ng Brigada. Nakasama ni Napoleón sa paglusob nito sa Ehipto, sa Austerlitz at sa iba pa, at siya'y hinirang ni Napoleón na maging Duke ng Montebello at Mariskal ng Pransya. Bilang Mariskal ay ipinalalagay na siya, gaya rin nina Davout at Massena, ay isa sa tatlong mariskal ni Napoleón na lalong magaling at lalong sanay.
6 Soufflot—Ito'y isang dakilang arkitektong pransés, siyang gumawa ng Gran Hospital, ng Dulaan ng Lyon at higit sa lahat ay ng Simbahan ni Santa Genoveva, na itinuturing na isang dakilang bantayog na pransés nang dantaong XVIII.