Ang mga sinaunang bagay sa Asia (Asia Menor) ay nagpapakilala ng duyan ng sining Griyego; doo'y makikita ang mga estatwang napakatatanda, kung paanong nagsimula sa anyong tuwid at matigas na naging tuntunin ng mga sagisag na ukol sa relihiyon, at unti-unting humantong sa anyong mapanghalina at makisig ng mga estatwang Griyego. Datapuwa't kapansin-pansin ang dalawang napakalalaking putol ng mga inukitang haligi na galing sa isang templong Griyego (Apolo Didimeo³¹ na ang bantod ay dalawang metro't kalahati. Kung hahakain ang laki ng templong pinagkunan ng mga haliging binanggit ko, at kung aalagatain ang magarang pagkakaayawayaw ng sining Griyego, ang templong ito, sa palagay ko ay nararapat na maging napakalaki at lalo pang malaki kaysa alin mang templong nakikilala. Mga larawan ng pakikipagbaka ng mga babaing Amazona sa mga mandirigma, at makikita sa mga ito na ang unang ginagawa ng mga nahuli'y sabunutan ang mga nauna.
Ang Museo ng mga sinaunang bagay na yari sa marmol,³²
alalaong baga'y ng mga larawang lalik ng mga Griyego at Romano, ay siyang pinakamaraming katipunang nakita ko ng mga
gawang napakagaganda, bagaman sinasabing ito'y hindi makahihigit o makakasindami ng nasa-Italya. Doo'y mapag-aaralang
ganap sa pamamagitan ng panonood lamang sa mga larawan
at sa pagkakabukud-bukod ng mga ito, ang mitolohiya; mapagaaralan din ang kasaysayan ng Roma sa panonood sa mga
busto ng mga konsul at mga emperador, gaya rin ng sa pamamagitan ng mga estatwa nila; naroroon ang napakabantog na
Venus ni Milo na kinikilalang pinakamabuti sa lahat, kahit
walang mga kamay; isang malaking Melpomene na may apat
na metrong taas. Ang mga estatwang nakita ko sa larawan
lamang ay naroroong lahat at mauubos ang tatlong oras sa paglibot at panonood ng mga iyon kahit pahapyaw lamang, at buhat doon ang nanood ay lalabas na lito ang gunita. Ang eskulturang Kristiyano ay kaibang-kaiba sa mga pagano at
bagaman musmos pa ang sining ay napapansin na ang isang bagay na naiiba sa kagandahan at pang-akit; nakapupukaw ng
__________________
31 Si Apolo ay isang tauhan ng "mitologia griega". Bilang diyos ng araw, ng kabataan, ng tula, atbp., ay ipinakikilala tuwina siya na parang isang binatang sakdal kagandahan at kahali-halinang tindig. Ang kanyang galit ay naghahasik ng kamatayan at salot sa sangkatauhan.
32 Ang museo ng mga matatandang marmol na tinatawag ni Rizal ay dimalayong ang Museo ng mga matatandang eskultura sa Palasyo ng Louvre, sapagka't sa katotohana'y doon naroroon ang estatwa ng Venus de Milo na tuklas noong 1820 at iba pang mga Venus gaya ng "Gentrix", ang "trapeada o embozada", ang "Venus libertina", ang kay Arles na natuklas sa siyudad na ito noong 1621.