Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/179

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



katawang baka at pakpak, mga estatwa ni Herkules ng Asirya na pumapatay nang parang walang anuman sa mga león, may mga priso at kapitel ang mga haligi, mga nakalutang na larawan ng pangangaso, mga hayop at mga paghahandog, na nakuha sa mga palasyo sa Níneve at Babilonya, sa Khorzabad28 na ipinatayo ni Senakerib. Sardanapalo,29 at iba pa. Mayroon ding mga libingang yarì sa marmol ng mga Penisiyo. Hindi ko maunawaan kung bakit ang Muscong ito'y lagi nang walang tao at hindi madalas dalawin gaya ng mga ibang museo, marahil, ang dahilan ay sapagka't nakapagpapagunita ng mga panahong napakatatagal na, ng mga lungsod na nababaon sa alikabok ng mga guho at pagkakawasak, datapuwa't ang totoo'y nakapanlulumo iyon at nakagigising sa gunita ng mga piging nina Baltasar, Semiramis, Nino Ciro at ng mga Dario.30 Parang nakikita ko ang mahiwagang kamay na sumusulat ng "Mane, Thecel, Phares".
___________________

28 Nínive, Babilonia at Khorsabad - Ang Babilonia ay siyang pangulongbayan ng Imperio ng Nemrod, siyudad na inaakalang siyang pinakamatanda sa daigdig; ang tanging nalalaman namin sa kanya ay ang mga guho ng kanyang mga palasyo at mga titik na hindi na mabasa.

Ninive- Ito ang pangulong-bayan ng dating imperyo asiryo, malapit sa Babilonia, at nasa-ibabaw ng Tigris. Nadurog na ito noon pang may 625 taon bago ipanganak si Kristo. Natatalos lamang natin ang kanyang mga guhong nahukay noong 1842-1845, na kinatuklasan ng mga palasyo ni Senaguerib, Ashurbanipal at Sargon; sa mga titik na siniyasat ay matatalos, humigit-kumulang, ang kasaysayan ng siyudad na ito.

Khorsabad — Isang kabayanan itong malapit sa Mossul, Persya, sa mga baybayin ng ilog Tigris. Ang mga arkeologong pranses na nagsihukay nang 1834 at 1851 ay nangakatuklas ng mga guho ng palasyo ni Sargon II na maraming mga eskulturang nagpapakilala ng mga pangyayari sa kanyang paghahari roon.

29 Senacherib (705-680 bago ipanganak si Hesukristo) — Ito'y hari ng Asirya, anak ni Sargon II. Sa kanya'y sinasabing nadurog niya ang hukbo ng hari sa Huda, sa pamamagitan ng mga kaparaanang hindi likha ng kalikasan.

Sardanapalo—Isa pa rin itong hari sa Asirya na lubhang mahiligin sa pagdaraos ng mga pistang mariringal at puspos ng kahalayan. Ang mga makabagong palaaral ng mga bagay-bagay sa Asirya ay nagpapalagay na siya'y isang maalamat na tauhan.

30 Si Baltasar ay isang tauhang hango sa Bibliya, katapusang hari sa Babi- lonia (554-538 bago si Hesukristo), haring napabantog sa kanyang mga pistang puno ng mga kahalayan at kalaswaan, haring nakakita sa mga dinding ng kanyang palasyo ng nakapanlulumong mga katagang Mane, Thecel, Phares.

Semiramis— Isang maalamat na tauhan na sinasabing naghari sa Asirya 2,000 taon muna bago ipanganak si Kristo, bantog na bantog sa kanyang ka gandahan at kayamanan. Inakalang siya'y anak ng isang diyosa at inalagaang parang anak ng isang pastol sa isang ilang. Napakasal siya kay Nino Ciro, isa ring tauhan ng "mitologia".

Nino Ciro— Isang tauhang mitolohiko, asawa ni Semiramis.

Dario— Ang mga Dario ay siyang mga hari sa matandang Persya. Tatlong Dario ang nakikilala: ang una, ay pinalayawang Ang Dakila o Dario I (521- 485 bago ipinanganak si Kristo), na siyang tagumpay sa panunuklas, at siyang gumawa ng palasyo ng Persepolis.

Dario II (424-405 bago si Kristo) anak sa ligaw ni Artajerjes I (465-425 bago si Kristo) hari ng Persya.

Dario III—Siyang katapusang Dario, hari ng Persya, na tinalo ni Alejandro Magno at sadyang pinatay.

—153—