Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/178

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



sinaunang bagay ng Asya Menor.24 Sa Museo Ehipsiyo sa iba-ibang palapag ay makikita ang mga espingheng napakalalaki, sina Isis, Osiris, at Apis;25 mga kapilyang niyarì sa iisang putol na bato, alalaong baga'y batong tinatawag na monolita at estela, mga libingan ng mga taga-Ehipto na yarì rin sa monolita; mga papirong may mga titik, mga larawan, mga sarong banal, at pagpanhik sa ikalawang palapag ay mamamalas ang mga bagaybagay ng Ehipto na may kinalaman sa pagsamba, sa pamumuhay panlipunan ng mga tao, sa libingan, mga momiya, diyus-diyusan, buwaya, pusà, aso at ibong tinuyong lahat, buong isang daigdig, buong isang pamumuhay panlipunan, pampulitiko, sibil, at pampananampalataya, bangkay na sa wari ay pipi datapuwa't nakapagsasaysay sa atin nang mabuti at maliwanag ng mga panahong lumipas, mga kadakilaan ng panahong nagdaan, mga pagtitiis, at sampu marahil, ng mga kasalanan. Ang panimdim na pinupukaw sa dumadalaw, ng mga bagay na ito ay malungkot, dakila at nananaig; sa panonood sa kanila'y tila nalilipat ang nanonood doon sa mga templo sa Karnak, sa Philoe,26 o sa mga piramideng itinayo ng napakaraming lipi ng mga Paraon. Datapuwa't napapansing ang relihiyon ay ang lalong madalas na tatak ng pamumuhay sa Ehipto, bagay na hindi nangyayari sa Museo ng mga Asiryo; dito'y may malalalaki't mabibigat na putol ng mga batong may malalaking larawang nakalutang27 (tingnan kay Cantu) ng mga taong may
____________________

napawi nang 1688. Ang pangatlong duke na nagngangalan ding Enrique, na ang mukha'y sapat, ay isa rin sa mga nag-udyok ng pamumuksa nang gabi ni San Bartolome.

Si Bayardo, na pinalayawang "Maginoong walang takot at walang kapintasan" at bantog na kapitang pranses, ay ipinanganak nang 1476 at napatay sa labanan sa Grenoble nang 1524.

24 Gaanong kaligayahan ang tinamo ni Rizal sa pagmamalas sa mga likhang ito ng sining, kung isasaalang-alang na siya ma'y isa ring manlililok!

25 Sa “mitologia" ng mga taga-Ehipto, ang Iris ay isang diyosang kuma. katawan sa kapangyarihan ng lakas ng pagdadalang-tao at pagdami ng mga supling.

Ang Osiris ay isa ring kadiyusan sa "mitologia" ng mga taga-Ehipto na sumasagisag ng simulang lumilikha at nagkakawanggawa, na nabubuhay sa araw, na parati nang nakikipaglaban kay Set (bagyo) na siyang simula ng sama at ng karimlan. Kung minsan ay ipinakikilala siyang parang apo ng unang tao, nagtatag at tagapagbatas ng Tebas.

Ang Apis ay isa sa mga lalong bantog na kadiyusan ng "mitologia" ng mga taga-Ehipto na sinasamba sa Memphis at ipinakikilala sa pamamagitan ng ulo ng isang baka.

26 Ang templo ng Karnac at ng Philas ay nauukol ang una sa mga tem- plong ginawa sa kataasan ng Ehipto, sa pook ng dating Tebas; at ang sa Philas ay ang mga durug-durog na ngayon sa pulong ito ng Nilo na noong araw ay isang pook na pinagdarayo ng mga ehipsyo, griyego at romano.

27 Ang mga larawang kahawig ng mga ito ay makikita sa bahaging nauukol sa "Arkitektura at Bellas Artes" ng Tomo VII ng "Historia Universal"

ni Cesar Cantu, gaya ng sabi ni Rizal.

—152—