at parang nakikita ko sa bawa't sandali ang isang mukhang makasaysayan na dumurungaw sa mga balkon. Datapuwa't nagbago na ang mga panahon at sa mga maluluwang na lusutan
niyo'y hindi na lumalakad ni si Francisco I, ni si Enrique II19
upang makipagtagpo kay Gabriel de Montgomery, ni si Francisco II20 na maysakit, kay Estuardo, ni si Carlos IX,21 ang walang kibo at palaisip, kulang palad sa kanyang kabinataan; ni
ang salaring si Enrique III, ni si Enrique IV22 kasama ng mga
abay; sinuman sa mga ito'y hindi na namamalas ngayon; sa halip ng mga babaing abay ng reyna, ang namamalas ay ang mga
kawal, muskitero, mga utusang lalaki, at mga taong may dugong mahal; sa halip ng mga Guisa, Buei, at Bayardo23 ay walang mamamalas kundi mga mapag-usisang Ingles, Aleman,
na itim ang damit; gayunma'y ang mga pook ay iyon din,
ang mga hagdang ginasgas ng napakaraming salin ng lahi ng
tao ay iyon din, ang mga silid ay iyon din at sampung mga
larawan ay iyon din.
Ang buong ibabang palapag ay saklaw ng Museo Ehipsiyo
Asiriyo, larawang lalik ng mga Griyego at mga Romano, at
Kristivano, ng Muling Pagsilang, at ng makabago at ng mga
__________________
19 Si Enrique II ay di malayong ang tinutukoy ni Rizal ay si Enrique ng Pransya, na iba sa mga Enrique sa Alemanya, sa Kastilya, sa In-latera, ni si Enrique II, emperador ng Santo Imperio, atbp. Si Enrique II ng Pransya (1519-1559) na siyang humalili kay Francisco I, ay nagsimula ng paghahari sa Pransya, isang taon muna bago mamatay ito nang 1547. Sa kanya napakasal ang anak ni Lorenzo de Medicis ng Florencia, na nagngangalang Catalina.
20 Si Gabriel Montgomery, (1530-1574) ay isang kakampi ng mga reformista", na naligtas sa mga pagpatay na ginawa ng kaarawan ni San Bartolome. Hindi kinukusa'y siyang nakapatay kay Enrique II sa isang paglalaban nang 1559. Si Montgomery ay pinatay sa París nang 1574 sa pamamagitan ng pagpugot sa kanyang ulo.
Si Francisco II (1544-1560) ay hari sa Pransya, asawa ni Maria Estuardo na nang dakong huli'y naging reyna ng mga eskoses. Si Francisco ay sasandaling nabuhay, at siya'y namatay pagkatapos ng isang taong maakyat sa trono.
21 Si Carlos II (1550-1574) ay naging hari sa Pransya, anak ni Enrique II at ni Catalina de Medicis; siyang nagpahintulot at nagpatibay sa bantog at kilala ng lahat sa pangalang gabi o paglipol ni San Bartolome.
22 Si Enrique III (1551-1589) ay naging hari rin sa Pransya, ikatlong anak ni Enrique II, ang kahuli-hulihan sa mga Valois, pinakamamahal ng reyna Catalina, at tinawag ni Rizal na salarin, sapagka't siyang nag-udyok sa kanyang kapatid na si Carlos II na pagtibayin nito ang pagpatay o pagpuksa sa mga "hugonote" ng gabi ni San Bartolome. Nahalal siyang hari ng Po lonya nang 1573 at pagkatapos ay humalili sa kanyang kapatid na si Carlos bilang hari ng Pransya nang 1575.
Si Enrique IV, na dati'y tinatawag na Enrique de Navarra (1553-1610) bagaman isang protestante ay tumitira sa tahanan ng hari ng Pransya, at doon siya inabot ng gabi ng pagpuksa sa mga protestante. Siya ang unang hari ng Pransya ng angkan ni Borbon, at siya'y umakyat sa trono nang 1589, at sa loob ng kanyang paghahari ay buong higpit na binaka ni Catalina de Medicis, na tinulungan ng Espanya. Siya'y nanumbalik sa katolisismo nang 1593. Siya'y pinatay ng isang hesuwitang may bulag na pananampalataya.
23 Ang mga Guisa ay isang marangal na angkang pranses sa Pransya na nagsimula sa unang Caludio de Lorena (1496-1550) at nagtapos sa ikalimang Enrique de Lorena (1614-1664). Ang kanilang "dukado" o lupain ng duke ay