Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/174

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito



masumpungan, kung digma. Ang "Virginia1 na naglalarawan ng isang namatay sa dalampasigan ay isang larawang matulain at malungkot; ang kay Cain na tumatakas sa kaanak niya ay nakasisindak; ang "Kapanganakan ni Venus" ni Bouguereau5 ay parang yari sa lamang buhay at gumagalaw at iba pang mga kuwadrong napakaririkit.

Ang Bullier6 ay isang sayawang dinadaluhan ng lahat ng mga nag-aaral at kahit hindi nag-aaral; iyo'y sinasadya nila upang sumayaw na parang mga haling at bagaman ang pook ay napakalaki ay napupuno ng mga babai't lalaki. Ang sayaw Pranses ay pawang pabaling-baling at paikut-ikut; ang quadrille ay isang sayaw na ang mga lalaki'y namimilipit na parang mga manika; wala akong maapuhap na sanhi nito kundi ang sigabo ng kalasingan at kabaliwan. Doo'y dinatnan namin ang ilang tauhan ng ibat' ibang embahada at palibhasa kami'y tatlo, sina Zamora, Cunanan,7 at ako, paanas nilang sinabing kami raw marahil ay ang embahada ng Tonkin na makikipag-unawaan tungkol sa suliranin ng digmaan.8 Isang peseta ang bayad sa pagpasok.


Ang Museo ng Gremin9 ay pag-aaring sarili ng isang tao, at dalawang pranko ang ibinabayad sa pagpasok. Doo'y napapanood ang mga tau-tauhang yari sa pagkit na kamukhangkamukha ng mabubunying taong kanilang kinakatawan at na-
_____________________

4 Si Virginia, ay siyang masasabing bayaning maalamat sa mga pag-ibig ni Pablo. Sila ang mga pangunang tauhan sa nobelang "Pablo y Virginia".

5 Si Bouguereau, Adolph Williaiz (1825-1905) ay isang pintor na pranses. Nag-aral sa Paaralan ng "Bellas Artes" (Magandang Sining), nagtamo ng isang "pension" sa Roma dahil sa isa niyang kuwadro; nahikayat sa pagpipinta ng mga sariwa at mga pintura sa mga dinding ng Pompeya at Herkulano, at sa kanyang mga bantog na kuwadro ay ipininta ang Idilio, ang Triunfo del Martir, ang Triunfo de Venus, atbp.

6 Ang tinatawag na Bullier ay isang hayag na bulwagan ng sayawan, kabilang sa maraming mga sayawan sa Paris, na gaya ng Mabille, Asnieres, Chateau Rouge, atbp.

7Si Cunanan, Mariano, ay isang mayamang maraming ari-arian sa Kapampangan, na nagtungo sa Espanya dahil sa isang usaping kanyang pinagtagumpayan. Nag-alok na kanyang pamumuhunanan ang pagtatayo ng isang Makabagong Kolehiyo, na binabalangkas ni Rizal. (Tingnan din naman ang talang blg. 29 sa sulat blg. 17 ng Sandaang Sulat ni Rizal)

8 Ang sinasabing "suliranin ng digmaan' ay tumutukoy sa digmaan sa Kotsintsinang pranses (Tonkin) na sinakop ng Pransya nang 1883. Upang tulungan ang Pransya sa digmaang ito, ay isang hukbo ng mga tropang pilipino ang ipinadala roon, na buong kabayanihang nagpamalas sa pakikilaban, kaya't sila'y tinawag na mga kawal na matatapang at matatapat sa pagsunod.

9 Ang tinatawag na Museo de Gavia ay ang pansariling museo ng bantog na mandidibuhong may ganitong pangalan.

—148—