Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/173

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


48. Buhat kay Rizal para sa kanyang*
mga magulang at mga kapatid



Hulyo, 1883

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
batang lalaki, malakas at masigla, hindi gaya ng mga nariyan sa atin na mahihina at matatamlay, isang Eva, Sibila de Cu- mas,1 Abel, at iba pa. Sa mga kuwadro, ang lalong kapansin- pansin ay isang kainan at lasingang Romano noong panahon ng Panghihina sa harap ng mga estatwa ng mga mababait at mahal na taong Patrisiyo na nabuhay noong panahon ng Republika at ng Konsulado. Tila nagngingitngit ang mga es- tatwa kung aalagatain ang kanilang tinging nanlilisik sa pagka- kakita ng gayong kahalay-halay na paglalasingan. Ang "Ka- matayan ni Julio Cesar" ay isang dakilang larawan na ang sipi ay makikita sa aklat ni Cantu.2 Ang "Mga Huling Araw ng Korinto"3 at ang "Paglagpak ng Herusalem" ay nakapagpapa- hiwatig ng mga kasindakang kaakibat ng pananamsam sa balang
_____________________

*(Aug sulat na ito'y masasabing puta-putaking bahagi ng isang sulat na walang kinauukulan, bagaman, kung susuriin ay padala sa kanyang mga magulang at mga kapatid. Wala ring lagda, nguni't hindi mapag-aalinlanga- nang talagang kay Rizal. Ang sulat ay walang simula, ni walang katapusan.)

1 Sibila de Cumas. Ito ang "sacerdotisa" (pare) sa Cumas, na itinuturing na isang dakilang manghuhulang pinagmulan ng mga aklat na karaniwang pagsanggunian ng mga mahistradong romano hinggil sa kanilang mga suliranin at mga kagipitang inaabot.

Ang Cumas ay isang matandang siyudad sa Italya sa look ng Nápoles, na, sa mga huling paghukay na ginawa ay kinatuklasan ng isang malaking templo ni Diana, isang munting siyudad, isang palabasang-dula, atbp.

2 Si Cesar Cantu ay isang bantog na mananalaysay na italyano, may- akda ng Historia Universal na may sampung aklat o bolumen. Nang si Rizal ay may 13 taong gulang pa lamang at nag-aaral sa Ateneo ay nagpilit na ibili siya ng kanyang ama ng aklat na ito. Ang kuwadro ni Julio Cesar na tinu- tukoy sa sulat na ito ay nasa-simula ng Ikalawang Tomo ng aklat na nasabi.

3 Ang Corinto ay isang siyudad ng Gresya, bantog nang unang panahon, pagka't siyang pinagtitipunan ng mga kalakal at mahalagang daungan nang ika-VI na dantaon, bago ipanganak si Hesukristo, at iniwasak ng mga romano nang taong 146 bago isilang si Kristo. Sa mga paghukay na ginawa nang magtapos ang dantaong XIX ay nakatagpo ng mga gusali, isa na rito ang

"tempo dórico" ni Apolo.

—147—