tao, datapuwa't ang tumitira doon ay mga 600 lamang. Sa lahat
ng bagay na naroroon ay nalalanghap ang pamumuhay sangayon sa isang alituntunin at may namamalas na mga militai
na matatanda, walang mga binti, kamay at iba pa. Ang diwa
ni Napoleón ay nabubuhay roon at ang damdaming ibinubunga ng pagkakita sa kabuuan ay katangi-tangi. Masasabing
yao'y tahanan ng gunita, sapagka't aywan ko kung anong pagiisa mayroon din, gaya ng lahat ng tinatahanan ng kamatayan, ng katandaan at ng kasawian. Mayroon ding isang estatwa
ng isang Mariskal ni Napoleón na putol ang isang binti. Iyo'y
ang ampunan ng mga matatanda, na sinawi ng dahas ng iba.
Ito ang lahat nang nakita ko hanggang ngayon.
Gaya ng marahil ay napansin ninyo, ako ngayo'y tumitira sa nayong Latino, sapagka't sa dati kong tinitirhan ay sinisingil ako ng mahal at dito'y maaari akong mamuhay sa halagang kulang pa sa anim na peseta araw-araw, at bukod sa rito'y higit na mabuti ang bahay."
Walang pag-aalinlangan, sabihin na ang nais nilang sabihin, ang pakikitungo ng mga Pranses ay mahinahon, sa labas
man lamang, at ito'y napapansin, hindi lamang sa mga matataas na tao kundi sa mga dukha at pangkaraniwan ding tao.
Gaya ng sinabi ko na, ako'y nag-iisa ngayon sa dahilang sina
Zamora at Cunanan ay naparoon sa Londres. Ang may-ari ng
bahay, si Ginang Desjardins ay isang taong nakaririwasa, gaya
ng sinasabi natin diyan tungkol kay Kumareng Juliana.33 Kung
gayon, noong kauna-unahang araw nang kami'y kumain . . .
_____________________
33 Si Kumareng Juliana ay isang kapit-bahay ng mga Rizal sa Kalamba.