Buhat doo'y dinadalaw ang Museo ng mga Kagamitang Pandigma,31 ang museo ng mga kasuutang pandigma,32 na kinaroroonan ng sa inga haring bantog, ng mga baril ng mga Luis, Enrique at sampu ng kay Napoleón; naroroon ang mga tabak buhat noong mga kauna-unahang panahon, na yari sa bato hanggang sa mga tabak ng mga Heneral ng Republika at ng Imperiyo at ng Pag-uuli; mga watawat, mga panalunang nasamsam, mga kanyon, mga sandatang Hapón at Insik, mga kasuutan ng iba't ibang mandirigma ng mga lupain sa Asya, Aprika at Amerika; mga kasuutang pandigma ng mga Galo, Griyego at Romano; ang lahat ng ito'y nakasuot sa mga estatwang maliliit. Parang hindi mapaniniwalaang doo'y nakikita ang mga damit ng mga taong gubat ng pulóng maliliit ng Borneo, datapuwa't ang sa Pilipinas ay hindi man lamang naaalaala. May isang kasuutan din ng Emperador ng Tsina na batbat ng ginto't brilyante na nasamsam sa digmaan.
Ang Otel ng mga Salanta ay isang malaking gusaling ipinagawa ni Luis XIV upang pangalagaan ang buhay ng mga
kahabag-habag na mga kawal; doo'y may mga silid para sa 5,000
_________________
turing siyang isang dakilang kapitan ng dantaong XVII, namatay sa labanan
sa Saltzbach nang ika-27 ng Hulyo ng taong 1675.
Si Vauban, Sebastian la Prestre de-(1633-1707) ay isang bantog na Mariskal na pranses. Nagsimula siya ng paglilingkod sa hukbo sa gulang na 17 taon sa rehimiyento ng dakilang Konde sa digmaan sa Fronda. Dahil sa kabantugang natamo niya sa kanyang tatlong kaparaanan sa paggawa ng tanggulan ay hinirang siyang maging Pangkalahatang Komisaryo ng mga Tanggulan. Siyang namatnugot sa maraming pook ng mahahalagang tanggulan at ang kahuli-hulihan ay ang sa Dating Breisach nang 1703.
Bonaparte, Gerome (Geronimo) - 1773-1844). Ito ang kapatid na bata ni Napoleon I, ipinanganak sa Ajaccio, Corcega. Nang 1806 ay pinapamuno siya sa isang dibisyon ng hukbong pranses at ginawa siyang Prinsipe ng Pransya. Sa isang pagdalaw na ginawa sa Estados Unidos ay napakasal siya sa isang taga-Baltimore, na nang dakong huli'y niwalang halaga ni Napoleon upang siya'y ipakasal kay Catalina de Wurttenberg. Sang-ayon sa mga tadhana ng kasunduan sa Tilsit, siya'y kinoronahan, bilang hari ng Westfalia nang ika-7 ng Hulyo, 1807.
Bonaparte, Jose- (1768-1844). Ito'y kanat'd na matanda ni Napoleon I. Nang ito'y umakyat sa kapangyarihan ay pinagkatiwalaan siya ng marami at mahahalagang tungkuling diplomatixo; summa rin kay Napoleon sa pakikibaka nito sa Italya nang 1796. Sa bisa ng kautusang lagda ng ika-30 ng Marso, 1806 ay ginawa siyang hari ng Napoles. Doo'y binago niya ang mga "ordenes monasticas" (kapisanan ng mga pare), nilansag ang "feudalismo", binago ang ayos ng pagkakatatag ng mga hukuman, atbp. Nang dakong huli, nang 1808, ay hinirang siyang maging hari ng Espanya.
31 Ang Museo ng mga kagamitang pandigma o ng mga hukbong lakad ay nasa Liwasan ng Sto. Tomas de Aquino, malapit sa simbahang may ganito ring pangalan, sa dating kumbento ng mga paring dominiko, na siyang kinaroroonan at kinatatanghalan ng lahat ng sandatang panlusob at pananggol buhat nang unang panahon hanggang sa mga makabagong pumuputok, gayundin naman ang mga nasamsam na kasangkapan sa digma, gaya ng inilalahad ni Rizal sa kanyang sulat.
32 Ito'y dili iba kundi ang pinakamahalagang bulwagan ng Museo ng mga nasabi nang mga kasangkapang pandigma sa talang blg. 31 ng sulat na ito.