ay kinakatawan ng lahat ng mga pintor buhat kay Clouet21
hanggang sa pintor ng ating kapanahunan, at doo'y maaaring
pag-aralan nang hakbang-hakbang ang sining. Nakatatawag
ng pansin ang dalawang kuwadro ni Lethiere:22 ang isa'y naglalarawan sa kanyang dalawang anak na lalaki. Ang ama'y
nakaupo, bilang konsul, sa piling ng isa pang taong tinatakpan
ang mukha ng kanyang balabal; sa paanan ni Bruto'y naroroon ang ulo ng kanyang anak na lalaki na ang katawan ay
binubuhat ng ilang tao; ang mamumugot ng ulo'y nakatayo;
ang isa pang anak ay nakahandang mamatay: ito'y ipinagmamakaawa ng mga tao at kanilang isinasamo sa ama na patawarin
ang buhay ng kanyang anak. Si Bruto'y hindi mapahinuhod,
mapanglaw, walang kibo at nag-iisip nang malalim, hindi makatingin sa kanyang anak, nakasuntok ang kamnao at namumutla. Ang kuwadrong ito'y dakila. Ang mga Pakikipagbaka ni Napoleón na ginawa ni Gros, isang Eudimiong23 nahihimlay sa liwanag ng buwan, at ang dakilang larawan ni Cain
at ni Abel na gawa ni Prudhon.24 Sa palapag na ito'y naroroon
din ang tinatawag na Galeriya ni Apolo26 dahil sa isang lara-
________________
tang "Asuncion de la Virgen". Puminta ng marami pang iba't ibang kuwadro
na nagiging palamuti sa madlang museo sa Europa.
Si Rafael ay isang pintor na italyano na nagngangalang Rafael Santi o Raffaelo Sanzio (1483-1520), at ipinalalagay na siyang lalong dak.lang pintor sa Ginintuang Gulang ng sining ng Italya. Siya ang, sa utos ng Papa Julio II, ay muling nagpalamuti sa iba't ibang silid na tulugan ng Batikano sa pamamagitan ng kanyang mga sariwang pinta sa mga dinding.
Si Leonardo Da Vinci (1452 1519) ay isang bantog na pintor na italyano na tangi sa rito'y eskultor pa, arkitekto, inhinyero, matematiko at siyentipiko; siya ang tao ng pagpapanibagong-panahon na lubhang maraming nalalaman at kinukupkop ni Lorenzo de Medicis; bilang arkitekto ay siyang gumuhit, kasama ni Bramante, ng Katedral ng Milan; ang kanyang pintura ay siyang nagsimula ng uring malinaw na malamlam (claro-oscuro) na siyang ikinapapatangi ng kanyang mga kuwadro. Itinuturing siyang guro sa pagbibigay-liwanag, sa ayos, kulay, malayong-tanaw at pagbibigay-buhay.
21 Si Clouet ay nabibilang sa isang angkan ng mga pintor na pranses na buhat sa lahing Flandes. Sila'y mga pintor ng maliliit na bagay lamang at ng mga larawan, na nagsiunlad ng dantaong XV at XVI. Si Juan ay isang pintor ng mga larawan at ng mga bagay na makasaysayan; ang anak naman niyang Juan din ang pangalan ay nabantog sa maliliit na pintura, at naging abay o utusan ng Haring Francisco I ng Pransya; at ang anak nitong huli, na nagngangalang Francisco ay naging pintor ng Kaharian ni Francisco I at ng tatlong sunud-sunod na naghari.
22 Si LETHIERE ay isang pintor na pranses na natanyag simula ng dantaong XIX.
23 Ang binabanggit na Eudimion ay isang pastol ng "mitolohiya griyega", na iniibig ni Diana, na pinapaging walang kamatayan ni Jupiter sa pamamagitan ng mga mago niyon.
24 Si Pierre Paul Proudhon (1758-1823) ay isa ring pintor na pranses, ama ng bantog na sosyalistang si Pierre Joseph. Siyang may gawa ng kilalang kuwadrong La justicia y la venganza persiguiendo al crimen na nakatanghal sa Louvre.
25 Ang Galeria de Apolo ay isa sa mga galeriyang nasa Palasyo ng Industriya, gaya rin naman ng galeriya ng mga "busto" (kalahating katawan).