nadala roon ng mga babae ang kanilang tahiin, umuupo sa
mga luklukang nalililiman ng mga punungkahoy at doo'y nakagagawa sila nang lalong mabuti kaysa kani-kanilang bahay
at walang sinumang gumagambala sa kanila; ang mga bata'y
nangaglalaro at nagtatakbuhan at hindi gumagambala kaninuman. Dito ko kauna-unahang namalas ang bagay na ito, at gayon nila pinararaan ang maghapon sa Campos Eliseos, Palais-Royal,16 Luxemburg17 Hardin ng Luxemburgo,18 at maraming
iba pa.
Dito'y may mga palikuran (Gabinet d'Aisance) din sa mga daan; sa halagang 15 perang prangko ay mairaraos ang pangangailangan, at binibigyan pa ng sabon. Sa mga ito'y mapapansin ang labis na kalinisan. Totoong maginhawa ang mga ito sa malalaking bayan gaya ng maraming ihiang nasa-lahat ng dako, na matatagpuan din sa Madrid, at walang bayad.
Bahagi lamang ng Halamanan ng Luxemburgo ang nakikita ko pa; kapag ito'y nalibot ko nang lalong mabuti ay saka
ko na kayo babalitaan. Sa Palasyo ng Luxemburgo, ang napanood ko pa lamang ay ang Museo ng mga pintura at eskultura at eskultura ng mga pintor na buhay pa. Doo'y may mga
maririlag na kuwadrong nakita ko na sa mga larawan ng
Mundo Ilustrado,19 mga napakagagandang estatwang yari sa
marmol na hindi maaaring isa-isahing isaysay. Ang mga pa Ingunahin ay yaong kay Sulambo, San Juan Bautista, yaong kina-Tiziano, Rafael, Da Vinci, 20 at iba pa. Ang paaralang Pranses
__________________
16 Ang Palais-Royal o Palasyo Real ay ginawa nang 1629-1634 para sa Kardenal Richelieu ng arkitekto Lemercier. Ang palasyong ito, bukod sa bulwagan ng trono, sa mga bulwagang tanggapan, sa mga galerya ng Orleans, ng Valois, Montpensier, atbp. ay puno ng di-mabilang na kayamanan ng mga eskultura.
17 Ang Palasyo ng Luksemburgo (Palais Luxemburgo) ay sinimulang itayo nang 1615 ni Debrosse at natapos pagkaraan ng limang taon; nagkaroon ng mga pagbabago bukod sa pinalaki sa iba't ibang panahon. Naging isang bahaykuta ng hari, bilangguan nang panahon ng himagsikan, palasyo ng Patnugutan at ng Konsulado, naging palasyo ng Senado sa loob ng panahon ng unang imperyo, kapulungan ng mga Pares sa pagpapanauli at sa loob ng paghahari ni Luis Felipe.
18 Nang una, ang Hardin ng Luksemburgo ay isang pasyalang kilala sa pamagat na "Paseo del Observatorio"; ginawa ni Jacques Debrosse. Ito'y isang magandang harding napapalamutihan ng maraming bukal, mga pulutong ng mga estatwang matalinghaga at pangkasaysayang yari sa marmol, estatwa ng maririlag na babae sa Pransya, na ginawa ng mga bantog na eskultor sa iba't ibang panahon, gaya ni Margarita de Provenza, Ana de Austria, Margarita de Valois, Valentina de Milan, Maria de Medicis, Juana de Arco, atbp.
19 Ang Mundo Ilustrado ay isang rebista ng sining, panitikan at kasaysayan; nagpapadala nito ang mga kaanak ni Rizal.
20 Si Tiziano, na ang tunay na pangalan ay Tiziano Vicidio (1477-1576)
ay isang pintor na ipinalalagay na siyang lalong magaling sa mga taga-Venecia; nabantog siya buhat nang 1578 dahil sa kanyang kuwadrong pinamaga.