(acajou— binibigkas na acachu), tangan-tangan, 12 tuba 13 at lumbang.14 Ang pagpasok ay walang bayad araw-araw.
Hardin ng mga Halaman15 ang itinatawag nila sa isang malaking lagay ng lupang malapit na malapit sa Sena, puno ng mga halamang may iba't ibang uri, may mga museo ng Soolohiya, Heolohiya at isa pa, na ang nilalaman ay pulos na kalansay lamang. Mayroon din doon ng hindi mabibilang na mga hayop. Wala akong nalibot liban sa iba't ibang taniman, nakita ko ang mga pato, gansa, usa, anim o pitong tigre, gayon din karaming leon (isang leong babaing nakakulong, kasama ng isang asong maliit), mga oso, pantera, baboy ramo, mga baboy, aso, baka, orisa, haguwar, ahas, sawa, pagong, walo o siyam na buwayang nakahilata sa araw, mga isda at maraming iba pa. Ang lahat ng ito'y pinakakain o inaalagaan sa iba't ibang kainitan, gaya ng mga sawa at ahas na may mga kumot na yari sa lana, mga buwayang may sariling look na maliit, at mga pagong na mayroon ding look, at iba pa. Doo'y may mga propesor na inuupahan ng pamahalaan, na nagtuturo ng mga aralin tungkol sa mga halaman, sa mga hayop, sa lupa, nang walang bayad at maaaring pakinggan ng madla. Doo'y mayroon ding napakalalaking mga kalansay ng mga balyena, katsalote at iba pang mga hayop. Binabalak kong bumalik doon nang makapitong ulit upang mapanood ang mga museo. Ang pagpasok para sa madla ay walang bayad. Aywan ko kung nasabi ko na ito, kung hindi ay sasabihin ko ngayon.
Dito, ang taong baya'y pumaparoon sa lahat ng hardin
at mga pasyalang bayan nang walang bayad: ang mga lalaki'y
upang magpasyal o mag-aral at mayroon ding ilang babae. Di-
__________________
12 Ang tangan-tangan ay isang maliit na punungkahoy na halos 4 na metro lamang ang pinakamataas. Sa halamang ito kinukuha ang tinatawag na "aceite de castor", na karaniwang ginagamit na purga, lalo na sa mga bata.
13 Ang "tuba" ay isang munting halamang sagana sa Pilipinas. Ang bunga nitong magulang na ay dinudurog at karaniwang ginagamit ng mga tagalalawigan upang ipanghilo sa mga isda at sa ganito'y madaling nahuhuli ang mga ito.
14 Ang lumbang ay isang malaking punungkahoy na kung minsa'y nagkakaroon ng 80 sentimetro hanggang isang metro't kalahati ang laki o bilog ng puno. Sagana ito sa Pilipinas, mapuputi ang bulaklak at ang bunga'y malaman. Ang buto ng lumbang ay karaniwang ginagawang langis, langis ng lumbang, at marami itong pinaggagamitan, gaya ng pagpapatibay sa mga bangka o mga kasangkapang kahoy na nabababad sa tubig at ginagawa rin namang sabon.
15 Ang Hardin ng mga Halaman ay isang halamanang panglahat, na binuksan noong 1650, at dahil sa madalas na pagkakapaluwang ay umabot sa lawak na 31 ektarea; ito'y nasa pagitan ng pampangin ng Saint Bernard at ng Liwasang Walhubert. Hindi lamang iyong isang halamanan kundi nagtataglay din naman ng heolohiya, mga mina at mga punungkahoy, bukod pa sa mga pook na ukol sa mga hayop. Doon natatayo ang bahay na tinirhan ng bantog na naturalistang si Luis Buffon buhat nang 1773 hanggang sa siya'y mamatay(1788).