- Paris,
- Ika-21 ng Hunyo, 1883
MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT MGA KAPATID:
Gaya ng ipinagbigay-alam ko sa inyo sa aking nakaraang
liham na sinulat sa Madrid, isang araw bago ako umalis doon,2
ay naririto ako ngayon sa Paris, bilang 37, Daang Maubeuge,
Otel ng Paris—buhat pa noong kinaumagahan ng araw ng Linggo, ika-17. Ang pagkakalakbay ko'y naging isa sa pinakamaginhawa't pinakamatulin, sapagka't buhat sa Madrid hanggang dito ay 36 na oras lamang naming nilakbay sa isang treng
matulin at walang pahintu-hinto. Dinaanan ko ang Avila,2
Valladolid,3 Irun.4 Hanggang sa kahuli-hulihang bayang nabanggit, ang paglalakbay ay sa lupang Espanya pa. Ang mga
tanawin sa Matandang Kastilya,5 kung matatawag na gayon ang
mga hubad na lupang binubuo ng mga nakababagot na mga
guhit, na walang mga punung-kahoy o mga palatandaan, ay
sumusubaybay sa manlalakbay hanggang sa dumating siya sa
mga Lalawigang Basko. Dito, ang mga bundok ay lalong maraming halaman, na lalong mayayabong at lalong linang, bagaman walang maraming naninirahan, bagay na siyang ikinatatangi ng mga lalawigang ito. Ang mga taong Basko ay kara-
____________________
1 Ang sulat na itong binabanggit ay di-malayong ang may petsa 14 ng Hunyo ng taong 1883; hindi makita sa alinmang lathalang nakikilala.
2 Ang Avila ay pangulong-bayan ng lalawigang kastilang may ganito ring pangalan, na siyang kinakitaan ng unang liwanag ni Sta. Teresa de Jesus.
3 Ang Valladolid ay siyang pangulong-bayan ng lalawigang may ganito ring pangalan at nasa-dakong loob ng Espanya.
4 Ang Irun ay isang bayan sa lalawigan ng Guipuzcoa, na siyang kina- roroonan ng aduwana sa hanggahan ng Pransya at Espanya. Ang nayong ito'y napabantog sa digmaang laban sa mga pranses at mga aleman na ipinagning- ning ng hukbong kastila nang mga dantaong XVI at simula ng dantaong XIX.
5 Ang Matandang Kastilya (Castilla la Vieja) ay isang purok na mataba ang lupa sa buong Espanya at sumasaklaw sa mga lalawigang Avila, Burgos,
Logronyo, Salamanca, atbp. nang panahong iyon.