farawan niya sa bahay ni Leonor na ipininta ni Resurreccion Hidalgo. — Pagkamatay ng Kura sa Kalamba. —
Pista ng Binyang. — Ang Buwis.- [Kalamba, Laguna]
- Ika-26 ng Mayo, 1883
[G. JOSE RIZAL]
MAHAL KONG KAPATID:
Kahapo'y natapos kong kabyawin ang 1,350 pilon ng asukal na siyang katamtamang bunga ng unang pagsubok sa Pansol, at ngayo'y kara-karakang sinusulatan kita sa pag-aalaalang ikaw ay naiinip na marahil sa di pagtanggap ng anumang balita rito, sa loob ng tatlo o apat na buwang itinaga! ng pagkabyaw.
Tila ang huling sulat na galing dito ay ang tinanggap mo kay Zamora, nang panahong sulatin iyon ay sinasabing hindi pinag-uukulan ng malaking paggalang ang lihim, kaya't matapos na sulatin ay ipinadala agad sa Maynila upang ihulog sa buson, nguni't doo'y inakalang lubhang kailangang makarating agad diyan, gayong tumbalik pa nga ang kahulugan, gaya ng mauunawa mo agad sa ayos ng lagda.
Bilang kapalit noon, ay tinanggap namin ang lahat ng sulat mo, o kaya'y sa bawa't dating ng koreo ay isang sulat mo, at sa karamihan ng mga sulat mo'y ipinahahayag mo ang iyong nais na paroon sa Paris, at dahil dito'y humihingi ka ng pahintulot at karagdagan sa ating mga magulang, na tungkol dito'y nangagsasawalang-kibo naman, pagsasawalang-kibong pinakakahuluganan kong isang pagtangging nababatay sa mga taya-