Napatunayan na ang pahinang ito
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Tinangap namin ang sulat mong fecha 29 de Enero, nang fecha 10 nitong buan nang Marzo at na pag intindihan namin ang lahat nang dooi nalalaman. Salamat sa lahat nang mañga balita at nasà mong magaling, at gayon din naman ang pagsasalita mo nang uican Ytaliano sa loob ng dalauang buan. Loobin nañga ng P.D. na macuha mo sa taning na buan para icao ay manalo at ito na maging capurihan at adelanto mo. At ang pag aaral co ay huag mong asahan porque, mulá nang magca saquitan nang cólera, pinatigil aco nang pag pasoc sa escuela ni nanay at gayon din hindi aco pumapasoc.
- [TRINIDAD RIZAL.]
—120—