MINAMAHAL KONG JOSE:
Tinangap namin ang sulat mo at natanto namin ang mañga balita mo at magagandang hatol, tuloy, acoy nagpapasalamat sayong pag sisicap sa aming icagagaling. Aquing ibinabalita sayo na namatay na si Tia Geña, at tininteng Búnaqué, si Leoncia Albares; dito ay totoong nag cacamatay dahil sa gales, halos atacado caming lahat ng saquit na ito, caya cami ay padalhan mo, ñg mabuting reseta. Si Marcosa ay nagpapacumusta sayo at nagpapasalamat sa iyo silang lahat at hindi carau nacalilimot. Si Marcosa ay nag lulubha ñgayon, si Antonio at si Delfin ay malimit magcagalet at icau ay pinagpapañgagauan. Maraming cumusta nitong capatid mong hindi nacalilimot.
- LUCÍA MERCADO.
P.D.: Ang pagcacasaquit at pag lulubha ni José ay hinde co naisulat sa iyo, sapagcat nang totoong siyang nag lulubha ay ayao nang gamutin ni coya Aben, ay hinde cona sabihin sa iyo ang nangyayari sa aquing calooban, caya ngat nauica cong cung siya'i ayao patungo sa España, ay sa langit siya paroon, at palibhasa'i, patungo nga yata diyan ay biglang biglang gumaling.
Marahil ay hindi co masasapat ang nararating nang Tatay nang icao ay umalis, sapagka't ñgayon pa'i, unti unti conang binibihasa ang aquing calooban, baquit ang isa pa'i, si José ay arao arao ay nag mumuc-háng lalaqui at muc-hang hindi paaapi sa capua.
- PAALAM