Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/143

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


43. Buhat kay Mariano Herbosa at Lucia
para sa kanyang kapatid na si Rizal.




Ang kabayong kulay kastanyo'y kinalulugdan ni Rizal.—
Hinihingan siya ng gamot para sa galis.
Calamba, [Laguna]
Ika-14 ng Marso, 1883

GINOONG JOSE RIZAL,
Madrid.

MINAMAHAL NA JOSE:


Bagama't, malaon ng hindi co nasagot ang sulat mo, ay inaasahan cong aco'i patatauarin mo at inaacala cong talastas mo ang trabajo ñgayon dine, ang isa pa ay uala acong maibalita sa iyo ñgayon, cundi ang catahimican at cabutihan nang aming calagayan, si José ay bagama't nagca saquit noon Febrero ay ngayo'i, totoong matabá, ang Tatay at ang Nanay ay mabuti aua ñg P. Dios.

Ang catapustapusang maibabalita co sa iyo, ay ang cabayo mong si castaño, ay aco ang nagaalaga at ñgayo'i, siyang pañgulo sa mga cabayo dine sa Calamba, totoong matulin sa caleza at hangang ñgayo'i, ay uala pang tumatalo.

Tinangap namin ang iyong sulat at natanto namin ang sinaysay; aco'i, ilan nang correong gayac nang pag sulat sa iyo, ay nangyayari ay nacacalampas ang correo ay hindi cami nacasusulat.

Maraming comusta at inuulit cong aco'i, lincod mong tumatalaga


Ang iyong lingkod na humahalik ng iyong kamay,
MARIANO HERBOSA.
—117—