les, Raymundo Perio, Manuel de Iriarte (ang nagmungkahi),
Eduardo Lete, Juan Fernandez, Federico Calero, at ako. Si
Iriarte'y nalasing; lahat kami'y nakakaing mabuti, datapuwa't
sapagka't humilab ang kanin, kaming lahat ay maghapong sinumpong ng buli-buli. Pagkahain ng bawa't ulam ay lumalakad-lakad kami, at kung may dumating na nagtatanong sa
mga may-ari ng bahay, ang isinasagot namin ay wala sila roon
upang huwag maabala ang kainan. Labing-apat na librang
bigas ang naubos, limang manok, at apat na librang karneng
baboy. Walang natira kahit isang buto sa nilitsong biik na nagkahalaga sa amin ng isang duro't kalahati. Ang ingay na naghari ay hindi mailarawan. Si Valentin Ventura ay kasama
rin namin, kaya labing-anim kaming Pilipino.
Ang kawalan ng sinigang ay kapansin-pansin. Ang tagapagluto'y si Estevan Villanueva. Tagalog ang usapan namin
habang kumakain. Ito'y nakapagpagunita sa akin ng Pansol
habang kumakain at si Marianito'y20 nagpapamalas ng kanyang mga kababalaghan.
____________________
20 Ang Marianito ay dili iba kundi si Mariano Herbosa, na kanyang bayaw at asawa ng kanyang kapatid na si Lucia. Si Marianito ay mahilig sa pagluluto.