man, ang pagbibili ng laman ay lalong tagorito kaysa Barselona, bagaman hindi naman lalong napipigil.
Aywan ko kung ano ang kinahinatnan ng pakikipagsapalaran sa pag-aasawa ng isang batang babae riyan at ng isang matandang lalaki,16 na ibinalita mo sa akin sa isa sa mga sulat mo. Nabigo ba iyon? Kataka-taka, na gayong kakaunti lamang ang mga dalaga riyan sa bayan ay hindi ko pa makilala kung sino ang tinutukoy.
Tinatapos ko ang sulat na ito sa pagtatagubilin sa iyo ng maraming kaibigang malamang na dumalaw sa iyo. Aywan ko kung dumalaw na sa iyo si Santiago Carillo17 sapagka't iyon ang ipinangako niya sa akin noong siya'y naririto pa. Pagsumulat ka sa akin, ay balitaan mo ako ng tungkol sa kanya at tungkol sa pagkakatanggap na isinalubong sa isang nag-asawa rito sa Espanya.
Wala nang iba, mga kumusta at alaala sa lahat ng mga kaibigan mo at kaibigan ko, sa mga kamag-anak at iba pang mga taong ninanais kong mapanatili ang dating pakikipagkaibigan. Ikaw na ang bahalang magpasiya sa bagay na ito, ayon sa iyong matuwid na pagkukuro.
- Ang kapatid mong nagmamahal sa iyo,
- JOSE RIZAL
- Ang kapatid mong nagmamahal sa iyo,
Noong Martes ng Karnabal ay nagkaroon ng pananghalian at hapunang Pilipino sa bahay nina Paterno, 18 at bawa't
isa'y umabuloy ng piso. Nagkamay kami sa pagkain ng kanin,
nilagang manok, adobo, piniritong isda at litson. Kami'y sina
Felix Resurreccion, Emilio at Estevan Villanueva, ang dalawang
Paterno, ang dalawang Llorente,19 Figueroa, Vicente Gonza-
_____________________
16 Tumutukoy sa isang dalagang nagngangalang Damasa Alcala na nakipag-isang dibdib sa isang baong Kapitan Juan Banatin.
17 Binabanggit si Santiago Carrillo, na taga-Binyang, Laguna, na nag-aral ng medisina sa Madrid. Sa katotohana'y dumalaw nga iyon sa mga kaanak ni Rizal nang ika-12 ng Enero, 1883, karaka-rakang dumating sa Pilipinas na galing sa Espanya.
18 Tinutukoy ang mga magkakapatid na Pedro, Maximino at Antonio Paterno. Ang mga ito'y nangakatira sa daang Sauco.
19 Hindi malaman kung sino ang isa pang Llorenteng tinutukoy. Ang isa sa dalawang ito ay si Julio. Ang sinasabing Figueroa ay si Melecio Figueroa, isang artistang pensiyonado ng pamahalaan; ang dalawang Paterno ay sina Pedro at Maximino. Si V. Gonzalez ay nabanggit na sa sinundang tala. Si R. de Perio ay isang estudyanteng pilipino. Si Federico Calero y Ortiz ay ipinanganak sa Cadiz, dumating sa Pilipinas sa gulang na anim na taon, kapanahon ni Rizal sa Unibersidad ng Sto. Tomas at sa Unibersidad Central ng Madrid, at nag-aaral din ng Medisina, nguni't hindi nagpatuloy. Namatay sa Maynila nang 1902. Si Valentin Ventura, na makailan nang mabanggit sa iba't ibang tala rito.