ng kasalanan ng pamumuhay ng angkan ng nasabing duke, at
may mga katibayan at pagpapatotoo. Ipinakasal daw ng duke
(sang-ayon sa polyeto) ang kanyang anak na binabae kay binibining de Santo Semia na may bigay-kayang isang angaw na
duro, at sa bagay na ito'y gumamit ng mga panghuhuwad at
panlilinlang. Ipinagtapat ng lalaki sa asawa noon pang unang
gabi, na siya'y walang kakayahang maging isang asawang lalaki . . . hanggang sa wakas, ang babae'y humingi ng isang diborsiyo sa mga duke. Tila sinagot siya ng dukesang huwag siyang magsahangal, na siya'y maaaring humanap ng isang mangigibig. Ipinangako ng dukeng ang kasal ay pawawalang-bisa sa
loob ng tatlong taon. . . Sa wakas ay may isang usaping Europeo sa Paris, sapagka't ang duke'y nanalo sa Espanya: inilathala ni Carreras ang polyeto; inulit ng maraming pahayagan ang
kuwento; ang duke'y nasiraan ng puri ng gayon na lamang;
walang sinumang nagnanais na dumalo sa kanyang mga pasayaw at bawa't isa'y nagsisibak ng panggatong sa isang nabuwal
na punung-kahoy; sinasabing sa Kongreso'y tinatawag siyang
mahalay, at si Carreras ay nagbabalak na maglathala ng isa
pang polyeto tungkol sa pagkamatay ni Prim at dito'y ibubunyag niya sa liwanag ang malalaking bagay. Sinasabi sa bulung-bulungan ngayon na isang taong may malaking kapangyarihan sa panahong ito, isang kaaway sa pulitika ng duke, ang
lihim na nagsulsol sa paglalathala ng polyeto. Kaabaan at
katiwalian sa ilalim. Dito, ang lahat ay nakikisayaw at lahat
ay nagkukunwari dahil sa salapi't hanapbuhay.
Hinggil sa Kanilang Kamaharlikaan, ay walang gaanong sigla para sa kanila ang bayan; sa maraming pagkakataong sila'y humaharap sa madla, ay wala ni isang "mabuhay" na narinig. Lahat ng tao'y naghahangad na maging kagawadbansa at ang mga mananalumpati't mga mapagnukala ay totoong nagkalat na hindi makahahakbang ng kahit isang hakbang halos nang hindi sila masasalubong.
Lalo pang marami ang mga babae, at isang malungkot na pangyayari na sa maraming dako'y sila ang umaabot sa mga lalaki, gayong hindi naman sila mga pangit.
Tungkol sa kasanlingan, ay mayroon din ng mga uliran sa kabaitan at kawalang-malay sa kasalanan at mayroon namang iba na walang-walang nauukol sa babae liban sa kanilang damit at kung hindi nama'y bukod sa kanilang pagkababae. May matuwid ang kasabihang ang mga babaing taga-Europang Timog ay may apoy sa kanilang mga ugat. Gayun-