tan at siya na lamang nagaayos ng aquin mga hacbang. Marami sa mga naninira dine ay quinuculang na lagui ng dugo at
quinacapos ng hininga, nguni't di co matanto cung baquit walang capanatilihan ang canilang mga nasa.12 Ang cabataan caya
o sapagcat di sila nasusugatan sa canilang laman; may ilan ding
camukha ni F. R.,13 ni B. V.14 na mga may tinatagong init nanahahalata rin, anhin mo'i ang usoc ng bundoc na may tinagong apoy. Mayroon ditong dulos na dulos, pañgal na pangal
na siya lamang catatauanan ng iba at hia ng casamahan. ¿Baquit caya pinabayaang maglacbay bayan? Ang capañgalan ay
sumusuco dahilan sa arao arao yaong carapatan bagang italas ay
ipinupurol at nagpapaquita ng capañgalan. Uwi ng culang ang
mga magagandang ugali ng ating mga bayan ay malilimutan at
ang napupulot ay ang mga basahan ng raza rito."
Padalhan mo ako ng talaan ng mga nasawi sa Lipa: ninanais ko na sa aking pag-uwi, ang mga bagay ay maging parang kahapon lamang ako umalis; ayokong maging isang dayuhan sa sariling lupang tinubuan. Aywan ko kung ang mga balitang maibibigay ko sa iyo buhat sa Madrid ay pananabikan mo, ikaw na hindi naman mapag-usisa ni hindi nakakikilala ng sinuman sa mga pook na ito, datapuwa't bilang kapalit ng mga balita mo'y babalitaan kita ng mga alingasngas sa Ulumbayan, mga alingasngas na tiyak na hindi ilalathala ng mga pahayagang Maynila, na buhay pa'y ginawa ng santo."15
Ang Duke ng La Torre, alalaong baga'y si Heneral Serrano, Punò ng lapiang tinawag na Izquerda Dinastica, na nagkaroon ng mainit na pakikipagtalo sa kagawarang-bansa ni Sagasta, isang taong bantog at ipinalalagay noong una na siyang taong lalong malakas sa hukbo, ay dinatnan ng isang dagok na sinlakas ng kulog: isang polyeto. Ang polyetong ito, na inilathala sa Paris ni Carreras, ay nagbunyag sa buong daigdig ng lahat
__________________
12 Tinutukoy ni Rizal ang pag-uusap nilang dalawang magkapatid tungkol sa kulang-palad na kalagayan ng Pilipinas at ng pangangailangang magsikap upang ito'y matubos. Kaya't siya'y dumaraing sa pangyayaring ang karamihan sa mga nasa-Madrid ay kulang ng dugo at sigla at walang tiyaga sa kanilang mga mithiin.
18 Ang F. R. ay maaaring Felix Resurreccion, bantog na pintor na pilipino, na kasama ni Juan Luna na nagtamo ng mga kapurihan at karangalan sa pagkapintor sa Europa. Maaari rin namang ang F. R. ay pangalan ni Francisco Rodriguez, na isang may malayang kaisipan. Hindi matiyak kung alin sa dala wang iyon ang tinutukoy.
14 Ang B. V. ay maaaring si Balbino Ventura, tanyag na taga-Kapampangan. Gayunma'y marami ang nagpapalagay na hindi ito ang tinutukoy ni Rizal.
15 Sa mga talatang ito'y maliwanag na mahihiwatigan kung paano pinaguukulan ni Rizal ang bagay na nauukol sa kamunduhan, at kung paano niya
pinagkakaabalahan ang suliranin ng kanyang bayan.