ong Pasko at lalung-lalo na kay Raguer;9 ang sinisimpan ko'y
mga kalugud-lugod na gunitang binubuhay sa aking isip ng kudyapi, ng awit at ng buwang ang sinag ay madalas na pumasok
sa durungawan. Dito, ang buwan ay napakalamlam, mahiyain,
kulang na kulang sa mga halaman at tulain na pumipilit sa
aking hanapin ang mga iyon sa langit at hindi ko naman masumpungan. Ako'y naiinip na sa Madrid at sakaling matapos
ko ang pag-aaral sa taong ito, ay tutungo ako sa Paris o kaya'y
sa Roma, marahil, at hindi na ako babalik kailanman sa Espanya,
bagaman dito'y may mga mag-aanak na nagmamahal sa akin,
ayon sa kanilang sariling paraan.
Nagpadala ako sa iyo ng kauna-unahang kuwaderno ng
Sirkulo Ispano-Pilipino, gaya rin ng ikalawa, sapagka't kasapi
na ako; datapuwa't gaya ng sinabi ko na sa iyo sa nakaraang
sulat, iyon ay patay na; hindi ka na tatanggap ng anumang
bilang. Si Pagong, alalaong baga'y ang Markes ng Pagong, ay
si Vicente Gonzales10 na ngayo'y kasama ko sa bahay, iyong
kasama ko riyan pati ni Aguado," iyong nagsukat ng iyong damit mahometano.
Inaasam-asam ko ang araw na ikaw ay paririto upang maglakbay sa Europa bago ako umuwi: pakikinabangan mo nang malaki kung marunong ka ng wikang Pranses. Ngayon ay nakasusulat na ako nang matuwid ng Pranses. Kapag ito'y natutuhan ko nang ganap, ay sisimulan ko ang Ingles o kaya'y ang Aleman. Unti-unti kong natututuhan ang wikang Italyano. Sa kabutihang-palad ay nakapagsasalita pa akong mabuti ng Tagalog at sang-ayon sa mga kasamahan ko, ako raw ay hindi nila maunawaan sa maraming pagkakataon. At upang mamalas mo ay naito ang isang talataan:
"Bagay sa sinasabi mo sa aquin na mga panaginip, sa ating
pinagusapan niyaong una, isang simbangabi ay di co nalilimu-
_________________
9 Ang tinutukoy ay si Elisea Raguer, isang bantog na mang-aawit na artistang espanyola, na lumabas sa mga dulaan sa Maynila. Sa pagbanggit kay Raguer sa sulat na ito, ay hindi niya ibig na tukuyin ang artistang espanyola na gayon ang pangalan, kundi ang isang dalagang taga-Kalamba, na nagngangalang Ursula Herbosa, na pinalalayawang si "Raguer", na kasama ng ibang umawit sa misa ng simbang-gabi ng Pasko sa simbahan ng Kalamba. Ang artistang espanyolang si Raguer ay naparito sa Pilipinas nang 1880 sa gulang na 40 taon, na angkin din ang kahali-halinang kagandahan, katamisan at pangakit.
10 Ang pinamamagatang Markes de Pagong ay si Vicente Gonzalez, na kabilang sa mataas na lipunan sa Maynila. Isa siyang abogado, ama ng naging pangalawang inhinyero ng siyudad ng Maynila, na si G. Jose Gonzales at ni Dra. Eva Gonzales. Siya'y taga-San Sebastian, Maynila, at nang panahong yao'y nag-aaral sa Madrid.
11 Inaakalang ang binabanggit ditong Aguado ay si Ricardo Aguado na nakapanahon ni Rizal sa Ateneo. Dahil sa sakit ng kanyang ama ay napasa-Espanya, at nagbalik sa Pilipinas nang 1890. Naparoong minsan sa Kalamba si Aguado dahil sa pista ng bayang ito.