Gayon din pinupuri co ang casipagan bago ni Loleng,11 iba sa dating sipag na quilala. Hindi co lamang matalastas, cung baquit niaong unang acoy narian, ñg cami’i naglalaró ñg revesino ay hindi niya naisipan ang magbibinca Nagtatalo talo ang mga balitang aquing tinatangap, ngunit mayron isang napaiibabao at di nababago. Ang acala co lamang ay ang mga magagandang ayos at pananamit na caraniuan niyang gamitin ay totoong nababagay sa culay na azul na may guhit na guintó. Ito ang iyong paquisabisabihin sa caniya.
Nag aaral aco ngayon ñg uicang italiano, at nasasalita co na ñg untí untí. Lubhang matamis at calugod lugod at napipilitang auitin ang mga salitá. Cung aco’i tuturuan co si Icang12 ng lumambot ang dilá. Cung cayo sana’i marunong ay tayoy macapagsulatan, dahilan sa ang tagalog ay totoong mabirap ayusin, baquit mabagal na acong sumulat, nacalilimot pa at nasisirá sa mga cauaauang pananalita ñg mga casama. Ang aquing Florante18 ay naiuan co sa Barcelona; uala aco sucat pagcunan at causapin ñg uasto; ang inyong sulat ay muli't muli cong binabasa. Aco’i sauá na sa uicang castilá.
Aco’i nagpapasalamat ñg maraming marami sa ipinadala sa
aquing salapi ni Tonino at Sra. Sisa.14 Nguni’t cung aco’i cailan
may paniniualaan, ay paniualaan din naman aco ngayong hinihi*
ngi cong huag acong padalhan ñg anomang salapí. Ang bagay na
itoy mabuti ang pinagbubuhatan ngunit malungcot ang quinauuian. Yaong iba cong Capatid na hindi macapagpadala sa aquin
ay nagdadamdam sa canilang loob dahilan sa canilang calagayan.
Cung sacalí namat pagdadalá at tumulad, ay hindi co mata
tangap cung di maycasamang pait, ala ala sa iyoy naguin cacu
langan sacanilang pamumuhay. Hindi co natatanto cung na
quiquita nila ang ibig cong sabihin ó nasasabi co cayá ñg tiua-
________________
11 Si Loleng (Dolores Habaña) ay isang dalagang taga-Kalamba, n a pagkaraan ng ilang buwang makaalis si Rizal ay nakipag isang dibdib sa isang mestisong kastila sa Maynila, na nagngangalang Juan Cordoba. M atapos m a kapag-asawa, si Loleng ay naging isang babaing masipag at masikhay, at ang hinarap ay ang pagluluto ng bibingkang ipinagbibili sa madia.
12 Si Ikang (Angelica Lopez) ay anak ng kanyang kapatid na si Narcisang asawa ni Antonino Lopez. Si Angelica ay garil kung magsalita.
13 Ang binabanggit ay ang akda ni Francisco Balagtas o Baltazar, na kilala sa buong Pilipinas sa pamagat na “Florante at Laura”, at nilimbag sa Lim bagan ng Sto. Tomas sa Maynila nang 1838. Maraming paulit-ulit na pagpapalim bag ang ginawasa aklat na ito, at isinalin sa Kastila at sa Ingles.
14 Sina Tonino at Senyora Sisa, ay dili iba ku ndi ang kanyang bayawna si Antonino Lopez at ang kanyang kapatid na si Narcisa. Ang mga ito’y nagpadala sa kanya ng sandaang piso upang magugol niya sa panahon ng Pasko.