cagulangan na ñg caunti, sa mga saquit fig babai at ibat ibapa,
at hindi totoong niluluatan. Ang camatayang nangagaling sa
panghihina sa tubig ay ualang malaquing calayuan sa nagbububat sa lamig, ito ang ualang inñgay, ualang hirap parang nauupos na candila.
Ibiguin ñaua ñg Dios na macaligtas at macatauid, at ang tubig ay macadilig huag macalunod. Maano na nga bagang ang aquing mga pangamba ay mauwi sa panaguinip.
Pinasasalamatan co ang inyong mga padala sa aquin paris ñg sinsing paño at sandalias.5 Huwag cayong mag antay ñg ganti cung gayón.
Padalhan ninyo acó ñg isang lista ñg mga caibigan at caquilalang namatay sa salot at beri-beri.6
Nabasa co sa sulat ninyo na cayo'i natitirá sa ibabá,7 dahilan na ang bahay ay na bili ng compareng Andres.8 Saan babay sa ibaba?
Sabihin ninyo cay Ursula at cay Victoria9 yaon salitang anhin pa ang sacati cung patay na ang cabayo. Cumanta man
sila niaon pascó sa simbahan ay aco'i naghihinaquit dabilang
ngaion lamang uala na acó rían na isipan nilang gauin. Ibig
co sanang pasalamatan sila, ngunit hindi sa bagay na ito. Matamis pa sa loob co yaong nagdaang panabong lumipas ñg siyay
napipilit pang pacantahin at patugtugin ñg arpa, dangan haliguing sucat pangapitan, parís na ñga baga cung sa sayao. Ang
ngalan inilagay ni pari Ingó (Boema, Traford) ay hindi co
inaasaban sa gayón parí. O labis ó culang.
______________
5 Ang mga bagay-bagay na ito ang binabanggit sa talang (2) ng sulat na ito.
6 Ibig ni Kizal na magkaroon ng talaan ng mga kaibiga’t mga kakilalang nangam atay sa salot na kolera at beriberi. Ang salot na kolera’y tum ighaw at nagbawasalam at sa malakas na bagyong dumaan at ipinagkaroon ng ma· laking baha sa iba’t ibang dako ng kapuluan, pati na sa Maynila. Sa kabilang dako, ang baha ay ikinabasa at ikinalubog ng maraming bangan ng palay at ang nabasang bigas, na siyang kinakain ng karamihan, ay siyang ipinalalagay na pinagtrasanhian. ng sakit na beriberi.
7 Ang tinutukoy ditong Ibaba ay ang daang kaagapay ng ilog, sa dakong hilaga ng Kalamba.
8 Tinutukoy si Andres Herbosa, kapatid ng kanyang bayaw na si Mariano.
9 Sina Ursula at Victoria ay mga kapatid na dalaga ng kanyang bayaw na si Mariano Herbosa.
10 Tinutukoy ang paring koadhutor sa Kalamba, na nagngangalang Do mingo Añonuevo. Ang paring ito ang nagpalayaw sa magkapatid na dalagang Ursula at Victoria, na siyang nagsiawit sa misa ng Pasko, ng pangalan ng mga kilalang artistang sina Boema at Traford.