- Madrid
- Ika-29 ng Enero, 1883
INIIBIG CONG CAPATID:—
Aquing tinangap ang minamahal ninyong sulat ng icalabingapat ñg Diciembre1 at pinasasalamatan co cayo sa lahat ng dooi inyong sinasabí at pinadadalá.²
Inaantayan ang retrato ni Freding³ (ang palayao na ito ay tila alemán ó inglés) at pinagaacalaan co pang maquita na batang sanggol.
Malaqui ang tacot cong hindi na abutan nitong aquing sulat
na buhay pa si Joséng anac ni Marianito,4 ayon sa inyong
balitang malalamig na ang caniyang paa at camay. Sa acala co'i
ang tubig ay hindi dapat gamiting laguí sa saquit ñg mga batang
sangol at gayon din naman ang sinasabi ñg mga marurunong;
sa pagcat cung sa cahinaan ñg canilang aandap na buhay, ilao
na bagong paniñgas, ay icacapit ang gamot na pangpahina lalo
na't cung tatagalan, ay di malayong ang cagamuta'i hucay. Cami'i caraniuan din naming gamitin ang tubig, ñgunit sa mga
_______________
*Tagalog ang sulat na ito, at di namin binago ang pagkakasulat.
1 Tinutukoy ang sulat blg. 30 ng Mga Sulat sa Kanyang mga kaanak, na may petsa 14 ng Disyembre, 1882.
2 Ang mga bagay-bagay na ipinadala kay Rizal ng kanyang kapatid na si Saturnina ay isang singsing na may brilyanteng "solitario", na hindi nadala ni Rizal nang siya'y umalis sa Pilipinas, sapagka't hindi naaring makipagkita sa kanyang kapatid na babae bago siya umalis, dalawang sapatilyang "aba- lorio" na yari sa Binyang, Laguna at mga panyong maliliit. Ang mga sapa- tilyang ito'y naiingatan pa hangga ngayon.
3 Tinutukoy ang larawan ng kapanganganak pa lamang na anak na lalaki ng kanyang kapatid na si Saturnina, na ipinangako sa kanyang ipadadala nitong huli.
4 Tinutukoy si Jose Herbosa, anak na lalaki ng kanyang kapatid na si Lucia na naglubha ng gayon na lamang dahil sa malakas na lagnat na dumapo, at sa kabutihang-palad ay nakaligtas din. Si Lucia ay asawa ni Mariano (Marianito) Herbosa.