Ako'y nag-aaral ngayon ng wikang Italyano at pumusta akong makapagsasalita niyon sa loob ng dalawang buwan.7 Na pakadali iyon. Umaasa akong sa tag-araw ay pahihintulutan ninyo akong makaparoon sa Paris upang tapusin ang pag-aaral ng wikang Pranses; pagkatapos ay tutungo ako sa Roma, at umaasa akong makatitigil din ako ng ilang panahon sa Londres at Berlin upang mag-aral ng Ingles at Aleman.8 Binabalak kong umuwi pagkaraan ng tatlo o apat na taon.9
Dito sa Espanya ay napakamali ang kaalaman tungkol sa
Pilipinas at napakaraming taong walang kamuwang-muwang
tungkol sa bayang iyan, na hindi nararapat pagtakhan kung
tayo'y pinagkakamalang inga Insik, Amerikano, o Mulato, at
marami ring mga binatang nag-aaral na hindi nakaaalam kung
ang Pilipinas ay sakop ng mga Ingles o ng mga Kastila.10 Isang
araw ay tinanong nila ang isa sa ating mga kababayan kung ang
Pilipinas ay malayung-malayo sa Maynila, at marami pang may
gayong hugis. Ang isa'y nagsabi sa aking siya raw ay nakaparoon na sa aking bayan. . .
_______________
7 Si Rizal ay nakipagpustahan sa pagkakilala sa kanyang kalooban at sa kanyang kakayahan upang matuto ng mga wika.
8 Binigyang kasiyahan ni Rizal ang hangad niyang ito, pagka't sa katotohanan ay nagtungo siya sa Berlin at sa Londres, bagaman sa pangalawang siyudad na ito'y hindi siya naparoon kundi nang ikalawang paglalakbay na lamang niya sa Europa noong 1883.
9 Hindi siya nagbalik sa Pilipinas kundi pagkaraan ng limang taon.
10 Hindi nga kataka-takang hindi makilala ng karamihan sa mga kastila ang mga pilipino, at sila'y maniwala't sukat sa balang sabihin sa kanila ng mga kastilang naninirahan sa Pilipinas.