Ang aming "Circulo"8 ay namatay na. Iminungkahi ko ang pagpatay bagaman ako ang siyang pinakamasugid na taga- tangkilik niyon.
Kagabi, o sa lalong maliwanag na sabi, kahapon, saman- talang ang isang balóng aerostatiko na sinasakyan ni Kapitang Mayet at ng isang mangangalakal o mamamakyaw ng mga yarì ay bumababâ, ang buslo niyon ay nasabit sa isang pausukan, at si Kapitang Mayet, upang mailigtas ang kanyang kasama, ay nahulog sa daan buhat sa ikalimang palapag, at namatay sa loob ng ilang oras. Si Kapitang Mayet na isang Pranses ay madalas na pumaitaas sa ikasisiya ng mga hindi makapasok sa dulaan; siya'y isang mabuting tao, at kinagagaanan ng ng mga taga-Madrid. Kamakailan lamang siya ikinasal sa isang babaing Italyana. Dinamdam nang gayon na lamang ang pagkamatay niya sapagka't ang gayo'y siyang naging bunga ng kanyang kagandahang-loob. Ang kasama niya'y nakaligtas nang hindi man nasaktan; siya'y isa sa maraming sumasama sa Kapitan upang masiyahan sa panonood sa lupa buhat sa itaas.
Narinig kong padadalhan ako ng 50 piso bilang pamasko ni Tonino4 at ni Senyora Sisa5; pinasasalamatan ko sila nang marami, datapuwa't humanap kayo ng paraan kung paano mai- sasauli iyon, sapagka't ang gayong pakitang giliw ay bakâ ma kapilit sa biang mga bayaw na pagsimundan, at ayokong mang- yari ang gayon.6
Umaasa akong kayo'y nagkaroon ng maligayang Pasko, Bagong Taón at kaarawan ng Tatlong Harì, na kapiling ang lahat ng mga pamangking lalaki at babae na ang dami ay nais kong makitang nag-ibayo nang makaitlo sa aking pagbabalik, upang makapagtayo ng isang paaralan para sa kanila lamang. ______________
3 Ang tinutukoy ay ang "Circulo Hispano-Filipino", isang samahang iti- natag sa Madrid nang 1882 ng mga kastila't pilipino. Ang sirkulong ito ay nagkaroon ng tagapamansag na dili iba't ang "Revista de Circulo Hispano- Filipino" na sasandali ang naging buhay. Doo'y nagsisulat ang maraming kastilang nasa-Filipinas at mga pilipino, gaya ni Lopez Jaena, at ang pina-kakaluluwa ng pahayagan ay ang kastilang ipinanganak sa Pilipinas na si G.Juan Atayde, komandante ng impanteriya na noo'y nasa Madrid. Ang unang bilang ng rebistang ito'y lumabas nang ika-29 ng Oktubre, 1882.
4 Ang sinasabing Tonino ay dili iba kundi ang bayaw ni Rizal na si An- tonino Lopez.
5 Sra. Sisa. Ito ang kapatid niyang si Narcisa. Sa mag-aanak ni Rizal. ang matatandang kapatid ay karaniwang tawagin ng mga bata sa pamamagitan ng pagpapauna sa kani-kanyang pangalan ng katagang Senyor o Senyora.
6 Sang-ayon sa kaugalian ni Rizal ay mahihinuha nang kahit sa kanyang mga kapatid ay hindi niya ibig na makasugat ng kalooban at damdamin kahit pa may mabubuting dahilan.