Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/118

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


sa kanila. Walang pag-aalinlangang marami ang hindi nakaaalam kung anong damit iyon, kung Ruso ba o Kanada.

Ngayo'y kapistahan ni San Antonio Abad at ang mga buro, mula, kabayo at iba pang hayop na may dalawa o apat na paa ay naparoon sa kinaroroonan ng larawan ng Santo upang dumalaw at sila’y basbasan. Ang mga iyo’y magarang napapalamutihan: aywan ko kung ano ang mahinita ng mga buro sa mga bendisyon at mga indulhensiya, kung totoo, gaya ng sinasabi nila, na ang mga ito’y walang kaluluwa at hindi maaaring magkasala o magtanggol sa Diyos. Sa anu’t anuman, darating ang isang mapalad na araw na kahit ang mga bato’y magkakaroon ng isang pintakasing tatangkilik sa kanila. Magpakabihasa kayo riyan at humanap ng isang santo para sa mga kalabaw na magliligtas sa mga ito sa mga pagkukulang at mga buwis. Tularan natin ang mga maka-kabihasnang gawing ito. Naihabilin sa demonyo ng mga tao rito ang kanilang sarili, lalung-lalo na ang mga babae ay mabuti, dahil doon ay mga tao sila at mga hari ng sangnilikha; ang mga hayop ay patatangkilik sa Diyos, pagka't mga hayop sila.12

Ngayon ay kaarawan ni Antonio Paterno13 at nagbigay siya ng isang maliit na hapunan. Magkakaroon tayo ng isang tanyag sa paggigitara, si Ca­non; ilang taon pa maranil ay siya na ang magiging pinaka- mabuti sa Madrid.

Tumanggap ako ng limampung piso pa na gating kay tiyo Antonio15 para sa buwan ng Enero. Aywan ko kung ito’y alam ninyo.

Ang aking ama’t ina ay nararapat magpakuha ng lara­ wan at ipadala sa akin; sa ganitong paraan man lamang ay lagi nang mahaharap sa akin ang larawan nila at hindi ma
______________

12 Isang pan lilibak ni Rizal tungkol sa mga gawaing likha ng bulag na pananam palataya o kaya’y sadyang pinababayaan ng mga nakikinabang sa gayón.

13 Si Antonio Paterno ay kapatid nina Don Pedro A. Paterno at ni Don Maximino, na nag-aaral sa Madrid.

14 S i Fernando Canon ay isang Pilipinong taga-Binyang, Laguna, kaibigan at kasama ni Rizal sa Ateneo, at ayon dito’y isa sa mga mag-aaral doon na magaling sa panitikan. Nag-aral ng “ingeniería electrice” at nagtapos nito.Siya ang pinagkakautangan ng pagpasok ng Noli Me Tangere sa Espanya. Nag-asawa siya sa Barselona sa isang espanyolang anak ng isang may pagawaan. Bukod sa siya’y isang magaling n a gitarista, ay bantog d in nam ang man lalarong ahedres. Pag balik niya sa Pilipinas ay naging heneral sa loob ng panahon ng Himagsikan laban sa mga kastila.

15 Si tio Antonio Rivera ay amain ni Rizal, at siyang lagi nang nagpapadala sa kanya ng kuwalta o “pension” na nagbubuhat sa mga magulang a t mga kapatid ni Rizal, na nangagtitira sa Kalamba.

—92—