mga magulang at mga kapatid
Ika-17 ng Enero, 1883
MINAMAHAL KONG MGA MAGULANG AT GINIGILIW
NA MGA KAPATID:
Buhat ng kahuli-hulihang sulat ko nang ika-30 ng Disyembre ng taong nagdaan1 hanggang sa araw na ito, ay nakamalas ako ng mga bagay na karapat-dapat ibalita sa inyo, upang
kayo'y mabigyang unti-unti at walang pagmamayabang ng isang
kaalaman tungkol sa pangulong bayang ito at ng kanyang mga
tao.
Noong bagong taon, ang lahat ay nagdadalawan, nagpapadalahan ng mga tarheta, mga pagbati, mga kaloob, at maraming iba pa. pa. Noong ika-6, kaarawan ng Tatlong Hari, ang pagdiriwang ay nauwi sa paglilibot sa mga daan, at dito'y sumisigaw sila, nanggugulo, at hinahanap umano ang mga Hari, at sa ganito'y nakagagambala sa mga naglalakad; salamat at iyon ay ipinagbawal ng Konde ng Figuerra, na siyang Gobernador sa Madrid, kaya hindi nagkaroon ng marami at malaswang alingasngas.
Nang lumagpak ang Kagawarang-Bansa2 at magbitiw sa
1 Ang sulat na binabanggit ay ang may blg. 10 sa "Sandaang Sulat ni Rizal".
2 Ang tinutukoy na Kagawarang-Bansang lumagpak ay ang Kagawaran ni Sagasta, bilang pangulo, at bilang mga Ministro naman ay ang mga sumusunod: Vega de Armijo, sa Estado; Alonso Martinez, sa "Gracia at Justicia"; Martinez Campos, sa Digma; Pavia at Pavia, sa Hukbong Dagat; Venancio Gonzalez, sa "Gobernacion"; Alboreda, sa "Fomento"; Francisco Camacho, sa Pananalapi at Leon y Castillo, sa "Ultramar" o Kabilang-ibayo ng mga Dagat. Ang paglagpak ng Kagawarang-Bansang ito'y dinamdam nang gayon na lamang ng mga Filipino sa Madrid, sanhi sa kanyang politika o pamamalakad sa maluwag; palibhasa'y isa sa mga unang hakbang na ginawa nito ay ang pangkalahatang pagpapatawad sa mga pahayagan, ang pagbibigay-laya sa mga nandarayuhang mga politiko, ang pagbawi ng utos na nagbabawal ng pagdaraos ng mga piging o bangkete at ng mga pagtitipon o kapulungang may uring