Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/114

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


sulat sa isang sobre at inyong timbangin, cung ualang 15 gramos, o alin ay di pa lampas sa isang sello. Caya ganito ang sabi co, ay tila cayo natatacot baca bumigat ang sulat. Gayón din ang bilin co hay Sra. Sisa.6

Acala co’i palagui cayong caiñgay dian sa bahay cung napaparian ang mga caliliitan. Hindi man din cayo magcamayao sa mesang ipil, ibig co sana cayong maquita sa isang butas ng cosmorama. Huag mong antaying aco'i pumuti at magmuchang castila.7

Narian na si Sra. Ipia?8 Cung tumataua ba’y naliit din ang mata? Cumusta cay Trining.

Ang iyong capatid,
RIZAL.


____________

6Ang sinasabing Sra. Sisa ay ang kanyang kapatid na si Narcisa.

7Sinasabi ito ni Rizal sa kanyang sulat, sapagka’t ipinahayag sa kanya ang hangad ng kapatid niyang si Josefa na siya’y bumalik sanang maputi at mukhang kastila.

8A ng tinataw ag na Sra. Ipia ay dili iba kundi ang kapatid niyang siOlimpia, na sa dahilang m ataba ay lumìliit ang mga m ata ku ng tumawa.




—88—