Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/113

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


34. Buhat kay Rizal para kay Josefa Rizal*


Madrid,
Ika-30 ng Disyembre, 1882


BINIBINING JOSEFA RIZAL
MINAMAHAL KONG PANGGOY:

Tinangap co cahapon ang inyong sulat1 na dalawa ni Sra. Maria. Nang huwag cayong magsabi na hindi co cayo sinasagot, ay susulatan quita cahimat aco'i cacapusin yata ng panahon. Labing apat na sulat2 na ang aquing natatapos at ang maicli sa lahat ay ang iyo dahilan sa naubos na ang aquing sasabihin.

Inaantayan cong aco'i datnan ñg mga jaleang bayabas na acala co'i gaua ni tatay o ni Sra. Neneng3 dahilang may nag iimpoc sa aquin dine. Huag ninyo acong hiyain. Sa Carnaval na daratin ay isosoot co ang aquing barong gasa cung naito sana ang salacot cong sungay ay acala co'i sila'i magugulat. Sayang at hindi co nahingi.

Si Trining4 ay hindi sumusulat sa aquin; anhin co si Choleng5 na uala sa bahay, baca ayao pasulatin o hindi pinasu-sulat. Gayon ma'i cayo o icau ay sulatan mo acong lagui at ng icau ay mabihasa. Inyong pagpisanpisanin ang lahat na
_______________

*Ang orihinal ng sulat na ito ay nasusulat sa tagalog.

1 Ang sulat na binabaggit na kasama ng sa kanyang kapatid na si Maria ay may petsa 13 ng Nobyembre ng taon ding iyon.

2 Sa labing-apat na sulat na itong tinutukoy ay wala kaming nakikilala kundi ang mga ipinadala sa kanyang kapatid na lalaking si Paciano, sa kanyangmga kapatid na babaing sina Josefa at Maria at kay Leandro Lopez. Inaakalanaming ang iba pang sulat ay pawang ipinadala sa kanyang mga magulang, saibang mga kapatid na babae at mga bayaw at sa iba pa ring mga kaibigansa Kalamba at Maynila, na hindi nangaitago.

3 Ang Neneng ay si Saturnina, na kapatid niyang babae.

4 Ang Trining ay ang kapatid niyang babaing si Trinidad.

5Ang Choleng ay ang kapatid niyang babaing si Soledad, na noo'y nasa- Maynila at nag-aaral at nakatira sa kanyang impo na si Gng. Basilia Bauzon ni Leyva,

—87—