napipilitan akong mag-agahan sa ibang pook sapagka't walang
agahan sa kinakainan ko. Sa halagang ₱50 ay maluwag na
maluwag na ang buhay ng isang tao at maaari pang makapag-
tipid sa panahong gipit.
Inaari kong isang dakilang biyaya ng Tadhana ang hindi natin pamumulubi sa napakaraming sakunang nangyari riyan.³
Umaasa akong pakikinabangan at maaani mo ang asukal, taglay ang kasanayan at kapalarang gaya ng dati, sapagka't sa gayon ay maaaring matupad ang isa sa mga hangarin ko, na dili iba kundi ang makita kita rito sa loob ng isa o dalawang taon4 at si Marianito, Maneng5, at iba pa na maghahali-halinhinan. Kinakailangang maglakbay.
Binabalak kong sa Hunyo'y paroon sa Paris o sa Roma,6 hindi ko pa napasisiyahan, kung magpapakalubos ako sa pag- aaral ng pranses, na may malaki na akong kaalaman, o kung tutungo ako sa Roma upang malasin ang bantayog at matuto ng italyano. Lalo sanang mabuting bago kayo parito ay maru- nong na akong magsalita ng pranses, ingles, at aleman upang sa gayon ay hindi tayo malinlang sa ating mga paglalakbay. Kapag walang nalalamang wika ay malaki ang nagugugol, at masama ang nagiging paglalakbay.
Hindi ko nalalaman kung nakatanggap ka na ng isang sulat ni Ginoong Alberto Croates, mangangalakal ng mga maki- nang pinatatakbo ng singaw (bapor), para sa isang kasundu- ang lalabas na lalong mura para sa iyo.7
Alamin mo ang ibang mga sulat ko.
Sabihin mo sa iyong mga kaibigan, sa mga maykaya, na inaanyayahan ko ang kani-kanilang mga anak na parito sa mga pook na ito. Ninanais ko sanang ang susunod na salin ng lahi,
3 Ang mga kapahamaka't kapinsalaang binabanggit ay dili iba kundi ang salot na kolera, bagyo, at bahang nangyari noong Oktubre, at bilang bunga nito'y ang mga kasiraang tinamo ng mga pananim at ang pagkukulang ng mga bisig na gagawa, dahil sa karamihan ng mga sinawi ng salot.
4 Inaasahan at nilalamuyot ni Rizal ang kanyang kapatid na si Paciano at ang bayaw niyang si Mariano Herbosa, na magsiparoon sa Espanya kahit na sa loob ng maikling panahon, upang sila'y magkasamasama.
5 Ang Maneng, ay siyang palayaw sa mag-aanak ng kanyang bayaw na si Manuel Hidalgo.
6 Hindi nakaparoon si Rizal sa Roma, kundi sa Paris lamang, gaya ng kanyang binalak nang tag-araw nang 1883.
7 Binabalak ng kapatid na lalaki ni Rizal na bumili ng isang "motor" ma pinakikilos ng singaw o "bapor", upang magamit sa kanyang kabyawan ng tubo.