- 32. Buhat kay Rizal para sa kanyang
- kapatid na si Paciano
- 32. Buhat kay Rizal para sa kanyang
- Madrid
- Ika-30 ng Disyembre, 1882
G. PACIANO RIZAL
MINAMAHAL KONG KAPATID:
Tinanggap ko ang iyong sulat ng ika-12 ng Nobyembre1 at nabatid ang doo’y nalalaman.
Nakatanggap ako kay Tiyo Antonio2 ng ₱50, na hindi ko inaakalang sa atin galing, at gayunman ay napanahon ang pagkakarating sapagka’t hinihintay ko ang buwanang pensiyon ng Disyembre; hangga ngayon ang paniwala ko’y ang kahuli-hulihang ₱100 na tinanggap ko ay ukol sa aking mga garnit sa taglamig at matrikula.
Ikinagagalak ko nang di sapala ang iyong pagkakaunawang
nakagawian mong ipadala sa akin, na sapat at may labis pa sa
Barcelona, ay hindi nagkakasiya rito na ang mga gugol ay dalavvang ibayo. Apatnapung duro ay makasasapat kung mamumuhay nang matipid at hindi gugugol sa damit. Sa halagang ito ay makapapasok nang minsan saminggo sa dulaan nguni't hindi na hihigit pa sa minsan lamang. Marahil ay may malalabi pang isang duro o dalawa isang buwan sakaling hindi magkaroon ng
di-pangkaraniwang mga gugol. Isa sa mga bagay na lubhang
nakapagpapapayat sa bulsa ay ang labada, mga sikulate at mga
kape, sapagka’t yamang ako’y nakatira sa isang bahay na lub
hang maginhawa ang aking kalagayan, at kumakain at iba pa, ay
____________
1 Ang sulat na itong binabanggit ay nalathalang kasam ang Mga Sulat sa kanyang mga Kaanak, na may blg. 26, Nobyembre 12.
2 Ang tinutukoy na Tiyo Antonio ay si Antonio Rivera, ama ni Leonor Rivera. Ang binabanggit na 50 piso ay nanggaling sa kanyang bayaw na si Antonino Lopez at ng asawa nitong si Narcisa, halagang ipinadala kay Rizalsa pam am agitan ng kanyang tiyo Antonio Rivera, bilang bahagi ng kanyangpensiyon sa buwan ng Disyembre. (Tingnan ang sulat ni Paciano g ika-29 ng Disyembre, 1882).