Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pakikipagsulatan ni Rizal sa kanyang mga kasambahay, 1876-1896 (JRNCC, 1962).pdf/104

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


Kailan mang panahon ay hindi namalas ang ganito kalaking apaw ng tubig sa tabing-dagat, na anupa’t umabot hanggang sa talisay na patungo sa pulô.

Noong ika-4 ng buwang ito, kaarawan ng pista ni San Francisco, ang mga lcasapi sa “orden tercera”, mga babai’t lalaki, ay nangagdaos ng pista, may misa at prusisiyon sa patyo, at pagkatapos ay naghandog ang “celadora” ng isang agahan at tanghalian sa bahay, na dinaluhan ng maraming mga kapatid na babae, ng ilang mga tanyag sa bayan at ni P. Domingo; ang mga babai’y tumangging kumain sa loob at ninais nila sa kusinaan, at sa dahilang doo’y walang anumang nakabanda, ang bawa’t isa sa kanilay nagkani-kaniyang kuha ng pinggan at kumain, sangayon sa kanilang maibigan, nguni’t ang totoo’y naghari noon ang di-gagaanong kagulunan. Pagkatapos ng agaban, ang mga lalong matatakutin ay nagsiupo sa paligid ng isang bumabasa ng buhay at mga himala ng kanilang amang San Francisco; ang hindi naman gaanong matatakutin ay nag-umpuk-umpukan at doo’y naari silang magbiruan ng mga bagay na labas sa kanilang pagkamanang. N ang matapos ang pagbasa at nang wala nang mapag-usapan ay kinuha ko ang orakulo ni N . (Na- poleon), ang kapalaran at mga larawan ng mga Diyoses sa G. at R.; ang mga mapaniwalain at mga pormal ay sumangguni tungkol sa kanilang kapalaran sa hinabarap, ang mga di-mapaniwalain, na ang karamiha’y mga matatandang wala namang maisasangguni, ay nangagkasiya na lamang sa pagngangà ng hitso, samantalang buong pananabik na pinagmamalas ng mga kabataan ang mga larawan. Sa panajignalian ay namalas ang lalong malaking kaayusan, sapagka’t naglagay na ng isang mesa sa labas para sa mga ayaw magsidulog sa loob. Pagkatapos ng pananghalian ay nagpaalam na ang mga manang sa "celadora”, at sa ganito’y natapos na ang pista. Sa pistang ito’y umabuloy kami nang kaunti sa nanay upang siya’y magkaroon ng kasiyaban.

Ang liham na ito’y sinulat noong Setyembre nguni’t hin­ di natapos, at aking nalimutan sa aking mga damit, ngayong makita ko ay ipinadadala ko sa iyong may kasamang mga balitang hull sa nasabing petsa.

Buhat nang magbawa ang bagsik ng kolera ay nakapaparoon na ako sa bundok upang maihanda ang pagkabyaw at sa mga araw na ito’y halos tapos ko na; sa aking pagparoo’t parito ay hindi ko sinasakyan ang iyong kabayo sapagka’t palibhasa'y lumalagi ako roon ng linggu-lingguhan at saka wala namang silungan o kuwadra, ay nag-aalaala akong baka manga-

—78—