- 31. Buhat kay Paciano para sa kanyang
- kapatid na si Rizal
- 31. Buhat kay Paciano para sa kanyang
- Kolerang tuyo. —Masamang pagkabyaw. —Pista ni San Francisco.
- Ang bantog na kabayo ni Rizal. — Isang panaginip.
- Kaunting bagay tungkol sa pulitika.
- [Kalamba, Laguna]
- Ika-29 ng Disyembre, 1882
G. JOSE RIZAL
MAHAL KONG KAPATID:
Kahapo'y nakatanggap kami ng isang sulat mong may petsa 31 ng Agosto. Doo'y dumaraing ka sa hindi pagtanggap ng anumang liham ng ating mga magulang, na hindi nagsisisulat sa iyo, hindi sapagka't talagang ayaw sumulat, kundi sa dahilang sa kanilang taglay na gulang ay hindi na makasulat, at akong naririto ay paniwalaan mong ang hindi nila pagkibo ay lalong mahalaga kaysa lalong mainam na sulat; sa halip ng ating mga magulang ay inaakala kong ang ating mga kapatid na babai'y nagsisisulat sa iyong palagi palibhasa'y hindi sila gaanong nararamihan ng gawain; tungkol sa akin, ang masasabi ko sa iyo'y labis-labis ang aking mga gawain at wala akong mga kadahilanan, gaya ng nangyayari sa akin sa sulat na ito, na hindi ko malaman kung ano ang aking ilalagay na makagigising sa kalooban mo o may kabuluhan sa iyo; datapuwa't sa dahilang naiibigan mo pati mga bagay na lalong walang katuturan dito sa ating bayan, ay magbabalita ako sa iyo ng kaunting maaari kong sabihin.
Nabawasan nang malaki ang bilang ng mga dinarapuan ng kolera nguni't sa ibang ayos naman umiiral, na tinatawag ditong kolerang tuyô, hindi pinangungunahan ng pagdumi at pagsusuká, ang palatandaan ay ang malabis na pagkapagod at