bayaw na si Hidalgo*
Ika-27 ng Nobiyembre, 1882
G. MANUEL T. HIDALGO
MINAMAHAL KONG BAYAW:
Tinanggap ko ang sulat ninyo nang ika-19 ng kasalukuyan, na sa aki'y nagpapatalastas ng maligayang balitang labis
kong ikinalulugod, at dinaramdam kong sa papaano mang paraa'y hindi ko maaaring madaluhan at mapakilahukan ang inyong kasayahan.
Lubhang kakaunti ang mga balitang maibibigay ko sa iyo, sapagka't ang nauukol sa akin ay ipinadala ko na sa sulat sa ating mga magulang. Tungkol sa mga balitang nauukol sa pulitika, ay mababasa ang karamihan sa Diariong tagalog na pinagpadalhan ko ng isang lathala.
Gayunma'y ibabalita ko sa iyo ang isang pangyayaring nakatawag ng kalooban ng marami dahil sa sariling-sarili at maliwanag na naglalarawan ng ugali ng isang bansa. Noong una'y mayroon ditong isang libót na italyano, na nagngangalang Barghosi, na tinatawag na isang makina ng tren. Nagtungo sa Saragosa at sinasabing siya'y tinalo ng isang taga-Aragon, na nagngangalang Bielsa. Naghamunang muli sa lunsod na ito at si Barghosi naman ang nanalo; sa gayon, ang bayang galit na galit dahil sa pagkatalo ng kanilang kababayang si Bielsa ay pinag-apuyan ng gayon na lamang poot sa italyano, na pinagtulung-tulungan itong pukulin ng mga bote, sapatos, tinapay at iba't iba pa. Anó ang sasabihin ng italyano sa gayón?
Mangyaring ihatid lamang ninyo ang aking pakikidalamhati sa mga angkang namatayan ng kamag-anak at iba pang
Padron:* Ang orihinal ay nasa-wikang tagalog.