Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/60

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


— 53 —
Mga nakita ni Pigafetta.
Ng dumating sa kabayanan sina Pigafetta ay inabutan

ang Rahá sa sariling bahay, na nakalupagi sa isang banig at naliligid ng kanyang kampon.

Ang anyo niya'y nakakuintas ng mabigat at nakahikaw

ng ginto't mahahalagang bato. Ng datnan nila ay ku- makain ng itlog ng pagong na nasa dalawang pingang insik, at sa harap niya ay may apat na sisidlang puno ng alak ron na kanyang iniinom sa isang lumbo.

Pagkakita ni Pigafetta ay agad nagbigay galang, saka

inia ay any kaloob na paḍala ni Magallanes na tuloy sinabi ni Pigafetta ang bilin ni Magallanes, sa pamama- gitan ng interprete na anya'y: Ang kaloob na iyon ay hindi isang ganti sa kaloob na padala niya, kundi isang tanda ng pa ikipagkilala ni Magallanes sa kanya.

Sina Pigafetta ay pinigil ni Rahá Humabon na sumalo

ng pagkain sa kanila, nguni't sila'y napasalamat na la- mang at kanilang sinabing sila'y nagmamadali.

Pagkapagpaalam nila ay ipinagsama sila ng pamankin

ng Rahá sa kanyang bahay at doon niya nakita ang pagtutugtugan ng mga tagarito.

Doo'y may inabutan sila na apat na dalaga na nag-

tutugtugan Ang isa'y may tambol na tinatambol; ang ikalawa'y may tinutugtog na dalawang nakabiting gong