Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/56

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


— 49 —
Ang tugong ng interprete ay yamang siya ang may

ibig na sumunod ng kanilang kaugalian ay siya ang magsimula at pinasimulan naman,

Kinabukasan ay napasa sasakyan ang Rahiang namiloto

kina Magallanes na kasama noong moro: siya'y bumati kay Magallanes sa pangalan ni Rahá Humabon, at saka sinabi na si Rahá Humabon ay nagsisikap na makapag- tipon ng maraming maipadadala sa kanya, at anya'y pagkakain ay kanyang susuguin ang isa sa kanyang pamankin at dalawa sa kanyang mga pangulo upang makipagkayari sa kanya ng pagkakasunduan.

Noo'y pinapaggayak ni Magallanes ang isa sa kanyang

mga tao ng boong kasakbatan, saka sinabi sa moro na silang lahat ay gayon ang gayak kung makipaglaban. Ang moro ay sinidlan ng takot, nguni't sinabi ni Maga. llanes na huag matakot, sapagka't ang kanilang mga armás ay walang bisa sa mga kaibigan, kungdi doon lamang sa mga kaaway.

Pagkakain ay dumating ang pamankin ni Rahá Hu-

mabon, na kasama ng Raháng namiloto, ng moro, at ng sampung pangulo pa na marahil ay mga dato, upang siyang mga makipagkayari sa pagkakasunduan.

Si Magallanes ay lumuklok sa isang upuan na kulay

pula at ang iba ay nagsilupagi sa banig sa lapag. Saka tumanong si Magallanes sa pamamagitan ng intérprete kung ugali nilang makipanayam ng bhim ó ng hayagan, at kung ang pamankin ng Raha Humabon at ang Ra- háng namiloto ay may kapangyarihang makipagkayari sa gayong pagkakasunduan.

Siya'y sumagot na ang kanilang ugali ay makipanayam

ng hayagaf at sila'y binigyan ng kapangyarihan ni Rahá

Humabon na makipagkayari.

Pagkatapos ay nanalaysay si Magallanes ng tungkol

7