Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/33

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


— 26 —


kupin ay kasama si Hernando Magallanes, na dili iba't siya ngang nakatuklas nitong Pilipinas. Ng matuklasan ang kalakhang bahagi ng Molukas ay di kasama si Ma.. gallanes, nguni't naisulat sa kanya ng isa sa mga naka- tuklas noon, na kanyang kaibigang si Francisco Serrao (1): ano pa nga't noon pa'y di na kaila sa ating baya ning kay Magallanes ang mga dakong nábangit.

Ito namang si Hernando Magallanes, na ang tunay na

pangalan ay Magalhaes Hernao na may malaking kaha lagahan sa ating kasaysayan ay isang maginoong taga Portugal na nag-aral sa palacio ng Haring Juan 11 રી Portugal ng matataas na karunungan sa pagbilang at pagkukuro at gayon din ng karunungan sa pagdadagat. Binata pa siya ay nakasama na noong (1505) ika sanlibo, limang daan at lima ni D'Almeida (2) sa Malaka ayon sa nábangit ko na sa dakong una. Ng taong (1510) ika isang libo, limang daan at sampu ay nagkaroon siya ng isang mataas pa katungkulan at ng taong ding yaon ay umuwi siya sa Europa. Pagdating niya sa Portugal ay sinugo siya ng Hari sa Azamor (Morroco upang maka- tulong sa pakikidigma sa mga taga Arabia (1) at doo'y nákasamaan niya ng loob ang kanyang mga pinuno na sa gayo'y umuwi sa Portugal na di na nagpaalam Ng siya'y nasa Portugal na uli, ay di lubhang nalaon at napadagdag siya sa Hari ng kanyang sueldo, at yao'y di dininig ng Hari dahil sa kanyang inasal marahil sa Azamor, na umalis ng walang kapahintulutan ng puno, at di umano'y tuloy inari siyang sira ang ulo, dahil sa siya'y nagdanas na ng ganyang sakit na gumaling lamang

___________

(1) Isang taga Pratagal na unang nakatuklas ng lupang Molukas. (2) Isa sa mga taga Portugal na naging dakilang puno dito sa kasilanganang akop ng nabangit na kaharian. (a) Siyang lupain na kinamulatan ni Mahoma na naging unang luklukan ng amorahan.