Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/31

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


― 24 ―
Pagkatuklas ng bagtasing dagat hangang India.

Sapagka't ang mga kristianong taga Europa ay di na makapagdaan sa Constantinopla, dahil sa sakop na ng kanilang mga kaaway ay pinagsikapan nila mula noon ang pagtuklas ng bagtasin sa dagat na hangang India, at ang lupaing natangi sa kagalingan sa pagdadagat ay ang Portugal. (1) At noong taóng (1498) ika sanglibo, apat na raan at siyam na pu't walo ay natuklasan sa dakong silanganan ng nábangit na lupain itong Bagtasin sa dagat na hangang India. (2) Ng makaraan ang labing


(1) Ang Portugal ay isang kaharian sa Europa na nasa piling kanluran at 'timugan

ng Espanya. Ang mga tao dito sa kahariang nabangit ay haluang lahi. At na bantog na lupain dahil sa isa sa mga unang nakatuklas ng mga di kilalang lupain

(2) Ito namang pagtuklas ng lupang India sa bagtasing dagat ay hindi lamang

ang mga taga Portugal ang nagsikap, kungdi ang Espanya man kaya't noóng ikatatlo ng Agosto ng taong (1492) ikasanglibo apat Daraat at siyam na pu': dalawa ay pinayagan si Colon ng Hari sa Espanya sa tulong ng isang Judiong nagkristiano na nagngangalang Luis de Santanguel. Ang mga ipinamahalang sasakyan sa kanya ay tatlo: Ang Santa Maria, Ang Pinter at ang Niña na siya niyang ginamit sa paglalayag sa dakong kanluran hangang sa kanyang natuklasan ang América na akala niya'y siyang India, At sapagka't si Colon ay may iniuwing mga ginto at mga bagay bagay ng mga tagaroon ay pinagdayo yaon ng madla Nuóng dakong (1498) ikasang libo apat na raan at siyam na pu't walo ay pinagsadya ang lupang iyon ng isang mangangalakal na taga Espanya na nagngangalang Hojada na ang kinasamang piloto ay si Américo Vespucci (taga Italia) at kanilang marating ang nasabing lupain datapua't walang nangyari sa kanilang layon. Gayon man ay hindi pinagsawaang dayuhin ang lupaing nabangit at noong taong (1501) ikasang libo, limang daan at isa ay sinugo ng Hari sa Portugal si Américo Vespucci upang tuklasing muli ang lupaing yaon at ng magbalik si Américo ay sinaysay na yao'y hindi aug Indiang pinangangalakalan ng mga taga Europa, kungdi isang malaking lupain dito sa sandaigdigan na di pa nila kilala, at mula noo'y pinanganlang Bagong Sandaigdigan' Nguni't woong taong (1506) ikasang libo, limang daan at anim ay iniamuki ng isang Profesor na Aleman na nagngangalang Martin Walseemüller, na yao'y tawaging mérica ayon sa pangalan ni Américo