Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/18

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito


―11―
Ang Pagtutuklasan at pagsasakupan.

Ang dahilan at kapakanan ng pagtuklas at pagsakop sa isa't isang lupain ay isa rin sa pinakamahalagang bahagi ng Istorya ó kasaysayan.

Tungkol sa una ó sa pagtuklas ay hindi kaila na siyang sanghi ng pagkakakilanlanan ng mga magkakalayong lupain at siyang dahil ng pagkakasalinan ng kaalama't abot ng isa't isa, at dahil dito'y siya tuloy nakaakay sa madla sa malawak na kabihasnan ó sibilisasyon na ating tinataglay ngayon.

Ganito ang sabi ko, sapagkat kung hindi nangyari ang pagkakatuklasan ay hindi sana nagkakilakilala ang madlang tao ngayon, na noong una'y nagkakahiwahiwalay, na nanahan sa iba't ibang lalawigan, sa iba't ibang kaharian, at lalong lalo na yaong nanga pa sa malalayong kapuluan na binabakod ng malalawak na karagatán. Hindi rin sana natutuhan agad nating nanga sa dakong Silanganan ang naabot na karunungan ng tagá Kan luran, ni natumpakan agad ng nanga pa sa dakong Kanluran ang naabot namang karunungan ng mga tagarito sa dakong Silanganan. Bukod dito, kung hindi sa pagkakatuklasan ay hindi sana umabot ang mga tao ngayon sa ganitong kabihasahan ni napagkilala man ng gaya ng pagkakakilala ngayon, ang Bulatlupa ó geografia