sa natutong unti-unti ng paggawa ng bahay na kugon
at pawid, ng bahay na tablá, bahay na bató, bahay na
siin at hangan sa nakagagawa ngayon sa ibang lupain
ng nagtataasang nakapangigilalás sa gumawa rin.
Sa pananamit, hindi agad nanamit ang tao ng gaya ngayon, kungdi ng mga baging at balat ng kahoy muna hangan sa natutuhan ang paghabi; at yaong mga unang habi ay hindi lumabas agad na mabuti, kungdi mga ka yong magaspang bangan sa napanipis at napabuting maigi. Gayon man, ay hindi rin agad nagawa ng mada lian kungdi ng matuklasan na lamang ang paggawa ng inga makina.
Sa pagsulat, hindi sumulat kapagkaraka ang tao ng gaya ngayon, kungdi sa mga dahon at niga bató hangan sa natuklasang untiunti ang paggawa ng mga papel at ang mabubuting panulat na lapiz, acero, mga panlimbag, makinilla at iba't iba pa.
Hindi ko na bangitin ang iba pa, sapagka't ito'y si yang tunay sa pamumuno sa bayan, sa pamaniayan, sa politika, sa relihiyon ó kapanampalatayahan, sa kabaitan at sa boong paraan ng pamumuhay ng tao.
Ngayon nga, ipagpalagay natin na tayo'y walang inabot na ano mang sinulat at natutuhan nang ating mga ma... gulang, ni sila man sa kanila namang mga magulang, at gayon din naman ang mga iyon ¿malilirip ba kaya natin ang hirap ng muling pagtuklás ng kanilang mga nátuklasan ó natutuhan na? Sa akala ko'y hindi at ang mákakagaya natin ay ang mga taong gubat na di nagbabago boong panahon sa kanilang ayos ng pamumuhay.
Ipagpalagay nga natin sa isang sandali ay maparam ang lahat na aklat, ang lahat ng ayos ng pamamahala a pagsasamahan, ang lahat ng ayos ng pananampalataya at ang lahat ng karunungan ngayon at wala tayong iwang