Pumunta sa nilalaman

Pahina:Pagkatuklas sa ating lupain (microform) (IA aqj7886.0001.001.umich.edu).pdf/11

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


4

Ani Diodoro, «Ang Istorya ay siyang kanan ng kata lagahan, siyang tagapangasiwa ng katotohanan at siyang iná ng pamumuhay».

At aní Guizot. «Ang Istorya ay siyang dakilang aralan ng katotohanan, ng matuid at ng kabaitan.»

Kung wala ngang Istorya ay di natin mababatid ang ating kahapon, ang ating kamakalawa at ang dakong una. Kung wala ngang Istorya ay hindi matatalós ng tao ngayon, na yaong mga unang tao ay may naituro sa mga taong sumunod sa kanila at yaong sumunod ay gayon din sa sumunod pa hangan sa dumating sa atin na nagtuturo naman ngayon sa mga sumusunod. A kung walang Istorya ay di natin mauunawa ang pagkasulong ng mga karunungan na di natataglay ng paminsan, kung hindi untisunti. Halimbawa.

Sa kasangkapan. hindi agad nagkaroon ang tao ng mga kasangkapang gaya ngayon, kangdi yaong mga una ay walang ginamit, kungdi kamay, paa't bibig lamang hangang sa natuklasan ang nabuting paggamit ng mga bató. Ang mga nagsisunod ay hindi na nagkasiya sa mga bató lamang, kungdi natuto pa ng paggamit ng mga bakal, at yaong sumunod pa mandin, bukod sa natuto roon sa nangáuna sa kanila ng paggamit ng nangábangit na mga kasangkapan, ay natuto, pa ng pag. gamit ng tanso, patalim at ibp. hangan sa natuklasan ang mabuting kasangkapan na ngayo'y ating ginagamit, at inaasahan kong yaong mga susunod sa atin ay mas tututo pa ng higit bukod sa kanilang inabutan sa atin.

Sa pamamahay, hindi kapagkaraka ay namahay agad ang tao, kungdi yaong mga una ay nanahan muna ng kaabaaba sa mga yungib at lilim ng kahoy hangan sa natutong gumawa ng mga dampa, yaong sumunod ay hindi na "gayon, kungdi natuto na ng mabutíbutí hangan